Chapter 7- At Shekinah's Residence

6 2 0
                                    

      ~Zipporah~

Ayun na nga nag-observe nga ako sa gabi nong monday gaya ng sabi ni Levi. Nagtanong nga ako kay Grace ng activities nila.

Monday- No Activity

Tuesday- Youth Bible Study (Umattend daw kami kasama sina Deu, Shek at iba pa. Sa bahay nila Shek~~ bibigyan na lang daw niya ako ng number ni Deu kasi sa iba na lugar daw siya malayo rito)

Wednesday- Prayer Meeting

Thursday- Practice ng Junior Worship Team (With Deu & other musicians)

Friday: Youth Service

Saturday: Practice for P&W

Sunday: Service pero wala ng activity sa evening.

Sinabi ko naman yun kay Levi at sabi niya aattend kami ng prayer meeting para mag-observe pano kukunin yung mga nanakawin namin. Ang galing namin.

----

Tuesday

Nasa may gilid lang ako ng kalsada. Hinihintay si Deu. Susundoin niya kasi ako.

Maya-maya pa'y may huminto naman na motor sa harap ko. Nakita ko naman si Deu. Hindi kasi siya nakahelmet. Kinilig naman ako agad

"Hi Zip ;)"

"H-hi"

"Halika na." sabi pa niya habang nakangiti. "Tayo na lang ang hinihintay."

"Sige."  nahihiya naman akong sumakay. Pinaandar niya na naman yung motor nong makasakay na ako.

"Ba't nga ba di makakaattend si Levi?"

Kasi mag-oobserve siya kung pano nanakawan yung church niyo hehe.

"Ahh. May gagawin kasi siyang importante ngayon."

"Ahhh. Gano'n ba." sabi niya na lang. Hindi na naman kami nag-usap after. Ang bango naman ni crush. Para naman akong kinikiliti sa kilig sa may likuran niya. Hahaiii.

Mapapakanta na lang ako ng:

Kahit na ko'y titibu-titibo, puso ko ay titibuk-tibok pa rin sa yo.

"Andito na tayo." nabalik naman ako sa aking ulirat nang makita yung bahay na nasa harap ko. Napanganga talaga ako sa mangha habang mahinang bumababa sa motor.

"K-kina Shekinah ba to?"

"Hmmh. Oo." sabi naman ni Deu na bumaba na din ng motor.

Napatango na lang ako kasi anlake kasi ng bahay nila ta's dalawa pa ang palapag.

Shekinah, how to be you po?

Nasabi ko tuloy na medyo ang unfair talaga ng mundo.

"Sumunod ka lang sa akin Zip." sumunod na lang ako kay Deu at diretso lang siyang pumasok sa pinto. Sumunod naman ako. Naman, kung maganda sa labas, mas maganda sa loob at ang linis.

Aaminin ko, medyo nanliit ako bigla.

"Eyhhh. Hello Zip!" bati naman sa akin ng ibang youth na nasa may sala. Mga lima ata sila..Andito si Jethro at albert ta's tatlo pang babae na sina Zoie, Sophiya at Leah. Lumapit naman sa kin yung tatlo na babae at inakap ako.

"Buti't nakarating ka." nakangiting bati ni Zoie. Nginitian ko na lang siya pabalik.

"Hehe. Oo nga."


"Wala ba si Levi?" -Leah

Napakunot-noo ako pero umiling.

"Hoy, Leah wag pahalata ha." -Panunukso naman ni Sophiya

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now