Chapter 17- D-DAY

7 1 0
                                    


           ~Zipporah~

D-DAY

Nakabihis na kami ngayon ni Levi. Nakablack kami lahat pati na din yung jacket. Sinuot ko na din yung black na sumbrero ko habang nakatitig ako sa salamin. Napapikit ako and bowed my head. Ang bigat ng pakiramdam ko.

I opened my eyes at tiningnan si Levi na sinuot na din yung sumbrero niya.

Nakatalikod lang siya sa akin at napahinto din siya sabay tingin sa baba. He sighed. Napatingin ako sa relo ko.

It's 11:30PM

Nilingon niya ako.

"I'm-- I'm ready." sabi ko. Inalis niya sandali yung tingin sa akin pero binalik niya din naman at naglakad siya palapit sa akin. He stopped in front of me kaya napatingala ako to see his face. Natigil ako nang pumikit siya sandali and then sighed ta's tiningnan ako ulit. Nailang ako nong parang inayos niya yung sumbrero ko at hinawakan niya yung left shoulder ko through his left hand.

"You don't have to go Zipporah."

"H-huh?"

"Wag ka ng pumunta, kaya na namin 'to, ako ng bahala pagkatapos... basta mangako ka na aayusin mo yung buhay mo at magiging masaya ka." napailing ako sa sinabi niya.

"H-hindi. Sasama ako kapag pupunta ka. Di kita pwedeng basta-basta na lang iwan-"

"Zipporah." he closed his eyes again and opened it.

"Mas magiging madali sa akin lahat pag di ka sumama. After this, kapag tinanong ka nila asa'n ako, sabihin mong ako yung nagnakaw ng mga gamit nila, that you tried to stop me pero tinakot kita" napailing iling na ako at tumulo na tuloy ulit yung luha ko.

"Levi, di ko yan magagawa... di ko kaya... May iba pang paraan, wag ganito..." namula na siya.

"Wala Zip... Para makalaya ang isa sa atin kailangang may taya at ako yun dahil sa ating dalawa ako yung totoong magnanakaw, nadamay ka lang." napahawak na ako sa dalawang balikat niya. Napapikit siya ulit.

"Hindi.. S-sasama ako sa 'yo, di pwede to Levi,"

"Zipporah please.." sabi niya and opened his eyes at hinawakan yung kamay ko at tinanggal mula sa pagkakahawak sa kanya. Napansin kong tumulo yung luha niya sa may left eye niya, agad niya naman itong pinunasan.

"Mangako ka sa 'kin na di ka susunod do'n." di ako makasagot dahil todo na yung iyak ko. Natakpan ko yung bibig ko ng braso ko. Nagpipigil kasi ako ng iyak kahit di na halos mapigilan.


"Ba- Ba't mo to Ginagawa? T_T" di na ako halos makahinga.

Tumulo ulit yung luha niya at pinunasan niya ulit yun.

He sighed. Nagulat ako nang bigla niya akong akapin ng mahigpit. Mahina ko na lang din siyang inakap.

"G-ginagawa ko to kasi ayaw kitang mahirapan. Ayaw kong makita kitang umiiyak, gusto kong maging masaya ka, at ito yung tanging paraan na alam ko." Ilang minuto kaming ganon at mahina na din siyang lumayo. Pinunasan niya ulit yung luha niya.

"Z-zip." bigla siyang namula ulit. "M-ma," napapikit siya ulit ng mahigpit and look at me again. "M-" Naghihintay naman ako sa sasabihim niya. He sighed. "Mag-iingat ka." natigil ako nang dali-dali siyang naglakad paalis. Agad naman akong sumunod pero bigla niyang sinara yung pinto. Narinig kong nilock niya sa labas. Naalarma na ako at nagsimulang kabahan.

I tried to open the door but I can't.

"LEV! LEVI! BUKSAN MO TO!"

            ~LEVI~

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now