Chapter 1-Deu

12 2 0
                                    

                ~Zipporah Villiamor~

Nakaupo lang ako ngayon sa isang bench sa tabi ng daan. Nakasumbrero ako ng white habang nakat-shirt at pantalon lang ta's rubber shoes. Nilalaro-laro ko naman yung lollipop sa aking bibig habang nakade-kwatro.

Nasa isang mataong lugar kasi ako at naghahanap lang ng target. Nakuha naman yung attention ko ng isang lalake na ngayon ay hawak yung phone niya habang may tinitingnan rito. Tumayo na ako at naglakad sa may likuran niya para sundan siya. Marami din ata siyang iniisip. 

Nong makatyempo ay kinalabit ko siya sa may right shoulder niya kaya napalingon siya sa may right side. Agad akong pumumta sa may left at hinablot yung phone niya.

Nagulat naman siya.

"S-sandali!"

Kumaripas na ako ng takbo ta's nakisiksik sa mga tao. Hanggang sa makalayo-layo na ako. Napasandal naman ako sa may pader at humingal muna. Grabe, hinabol pa talaga ako eh buti na lang nakawala din.

Umayos na ako ng tayo at napatingin sa phone..Wow! Iphone. hahaha

Napangisi-ngisi talaga ako.

Ang galing mo talaga Zipporah. I move my foot para umalis na pero nagulat talaga ako nang makita yung lalakeng may-ari ng phone sa harap ko na pinagpapawisan at hingal din. Grabe, natunton niya ako?!

Kumilos naman ako para tumakas pero nahawakan niya ako sa may braso. Agad naman akong kumilos at kumawala, napabitaw naman siya sa akin pero nagulat ako nang mahawakan niya ako sa dalawang balikat. Pagkuway itinulak at nakita ko na lang ang sarili na nakasandal sa pader habang hawak niya ko sa dalawang balikat.

Yumuko ako agad para di niya makita yung mukha ko dahil nakasumbrero pa naman ako.

Ano ba'ng problema ng lalakeng to? at ano'ng problema ko? Pwede ko naman siyang sipain ah pero mistulang nagdesisyon na din yung katawan ko na wag ng lumaban.

"Sorry" natigil ako nang sabihin niya iyon sabay bitaw sa balikat ko ta's hinawakan niya yung sumbrero ko, akala ko tatanggalin niya pero hinawakan niya lang ito at parang inayos para matabunan talaga yung mukha ko at di niya makita. Para akong nanghina bigla sa ginawa niya.

"Don't worry wala akong gagawing masama sa 'yo. Nais ko lang na ibigay sa yo to." natigil ako nang hinawakan niya yung kamay ko at may ipinahawak sa akin. Nanlake yung mata ko nang makitang isa itong charger.

Medyo napatingin ako ng kunti sa mukha niya at bigla akong natulala nang makita ko siyang ngumiti na animo'y anghel sa langit. Narealize ko din na may itsura pala itong lalake na 'to, moreno, makapal ang kilay, maganda yung mata ta's anlalim pa ng dimples.

Nanginit ako bigla.

"Charger yan ng phone para mas magamit mo at ito pala," may ipinahawak siya sa akin na iba at tiningnan ko iyon. Nanlake talaga ang mata ko. Doughnut na nasa box.

"Magpakabusog ka. Mukhang pagod na pagod ka ngayon." natulala lang ako habang nakatitig sa kanya.

Nabalik naman ako sa aking ulirat at dali-dali na din akong tumakbo. Pero grabe yung puso ko,anlakas ng tibok. In love na ba ako?

------

Isinurrender ko na yung mga naisnatch o nanakaw ko ngayong araw sa puno namin. Myembro kasi ako ng sendikato ng mga magnanakaw.

"Wow. The best ka talaga Zipporah. Dapat ninyo siyang tularan." grabe naman yung ngiti ko hindi na mapigilan, di dahil sa pinuri ako ng puno namin kundi dahil sa lalake kanina.

Oo nga pala si Abra ang puno namin. Abraham for long. Grabe noh, Abraham is a thief. Hekhek.

Patawarin sana siya ni Lord.

----

Naupo ako sa upoan ng inuupahan kong maliit na bahay. Nilapag ko na yung doughnut sa table ta's kumuha ng isa at kumain. Wowww! Ansarap pala nito. Ngayon lang ata ako nakatikim nito sa tanang buhay ko. Mula ngayon, this is my favorite food.

Kinuha ko naman yung phone ng lalake. Of course, di ko sinurrender. Hahaha!

Para kasing importante sa akin ito eh. Nangalukat naman ako at tiningnan yung mga photos. Waaahhhh! May nga solo pictures siya dito. Ang gwapo naman netoh. Nakajackpot ata ako. Pero yung iba may marami siyang kasama at yung iba may isa siyang maganda na kasama. Ang saya pa nila tingnan at infairness bagay sila.

Hmmmmmmh, girlfriend niya ba to? Haissst.  wala na akong pag-asa agad.

Uyyy, open yung messenger. Nangalukat naman ako, ang kapal ko naman. Just this once lang naman.

Woooah. May group chats lang naman siya. JIA Praise and Worship Team, JIA youth-- may iba pang group chats ta's may kachat siyang babae. Hmmmmhhh.

Shekinah

Natetempt naman akong mag-open ng messages. Pero wag na lang haha. Medyo may respeto pa naman ako. Pumunta na lang ako sa facebook at nagscroll sa timelime. Wow, musikero ata to. Wow, puro about kay Lord ang sa timeline. Tulong nasusunog ako. Haha.

Naagaw naman yung pansin ko ng isang post.

Youth Night
Theme: Broken Vessel

May date na nakalagay teka next friday na to ah. Monday kasi ngayon. Parang gusto kong pumunta ta's makita siya. Yay! Inaamin ko, kahit ganito lang ako, gusto ko na ang lalakeng iyon. uh ito pala pangalan niya, Deu Alonte. Pinindot ko yung DP niya. Waahhh! Ang gwapo niya naman rito. May hawak pa siyang gitara ta's nasa harap ng mic stand. Haissst- 1k pa yung reactions ta's daming comments. Sikat pala talaga ito.

Tinitigan ko lang ang kanyang larawan.

Ikaw na ba si Mr. Right? Haiiii

"Love is not for a thief like us!" grabe napaukso ako bigla nang marinig yung boses na yun. Naitsa ko pa ng kunti yung phone, mabuti na lang nasalo ko. Napatayo na ako at tiningnan ang nagsalita na ngayon ay nasa likod ko. Nagulat talaga ako ng makita si Levi Alcantara- let me describe this guy, maputi, ummmh may itsura naman, maganda din yung kilay ta's medyo chinito, matangkad at okey lang din ang katawan. Di siya ganon kaartestahin pero, mapapasyal mo na siya sa mall. Kaya hindi siya halata na magnanakaw. Nagagamit pa nga niya yang itsura niya sa mga tactics niya eh, lalo na babae.

Hindi siya ordinaryong magnanakaw dahil siya ay anak ni Mr. Abra- ang leader ng sendikato namin so bali para siyang tagapagmana. ngekss.

Nakalimutan kong sabihin, I'm 22 years old and this guy is 23 years old.

"P-pano ka nakapasok? At ba't andito ka?"

Guys, hindi ko ito close ha. Kasi kakompetensya niya ako from being the pinakamagaling na magnanakaw.

"Simple lang, bukas yung pinto at  andito ako because I know, may tinago ka na naman from us." nanlake yung mga mata ko yun.

Haissst. Napakaimbestigador talaga nito.

"So ano isusumbong mo ko?" ako kunwari, di kinakabahan.

Tiningnan niya lang ako with that usual blank face of his. Di ko pa nga ito nakikitang ngumiti o tumawa eh.

"Hindi... Dahil kung may plano akong isumbong ka, matagal ko na yung ginawa."

"So ano'ng kailangan mo?"

"hmmmh, pag-iisipan ko. Atleast, hawak kita." napasimangot naman ako do'n.

Naupo pa siya sa upoan ko at kumuha ng doughnut at kumain. Aba aba.

"I'm warning you, don't ever try to chase the owner of that phone or your life will be complicated" napaisa naman yung kilay ko do'n. Teka ba't ang galing mag-english nito?

---

Nga pala, highschool lang natapos ko. Naging magnanakaw ako nang lumayas ako mula sa puder ng tito at tita ko na inaabuso lang naman ako. Ulila na kasi ako, maagang namatay yung mga magulang ko. Yun na nga nagpalaboy-laboy ako at natagpuan ako ni Abra at do'n na ko naging magnanakaw. At ngayon gustohin ko mang kumalas ay mahirap yun. Nanganganib buhay ko at utang na loob ko din to kay Abra. Kaya para sa mga kagaya ko, mahirap magbago. Nasanay na lang din ako at tanggap ko na na mamamatay na akong magnanakaw.

At tama nga siguro si Levi- Love is not for a thief like us.

<END OF CHAPTER 1>

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now