Prologue:

18 2 0
                                    

          ~Levi Alcantara~

Nag-aabang ako ngayon sa may di kalayuan ng bangko. May hinihintay ako. Kung tinatanong niyo kung ano? Ito ay target at tyempo. Naninigarilyo ako ngayon habang tinitingnan ang mga dumadaan at nag-oobserve na din.

Maya-maya pa'y nakuha din ang aking attention ng isang galing sa bangko na babae at may dalang medyo may kalakihan na bag.

Okey, I got my target. Tinapon ko sa baba yung sigarilyo at inapakan ito using my right foot.

Sumakay na ako ng aking motor at isinuot ang helmet. Nang makadaan na yung babae sa may gilid ko ay mahina ko ng pinaandar ang sasakyan at sinundan siya. Nang makatyempo ako ay nilakasan ko bigla ang pagpapaandar sabay hablot ng bag niya. Napasigaw naman siya sa gulat, humingi naman siya ng tulong.

Di ko na yun pinansin at pinaharurot din ang sasakyan.

-----

Naupo ako sa aking higaan. Binuksan ko naman yung bag na nasnatch ko. Natigil ako nang makita ang maraming pera na laman nito. Nakajackpot pala ako ngayon. Tsssss.

May cellphone naman. Napakunot-noo ako't kinuha yon. Binuksan ko naman at sakto namang walang password. Lumantad sa wallpaper ang selfie ng isang magandang babae. Napailing na lang ako.

Nangalukat pa ako at nakita ko sa gallery yung ibang mga pictures. Still that girl at masasabi kong sobrang ganda nito.

Natigil ako nang biglang may tumawag. Nag-aalangan pa ako na sagutin ito but something pushes me to swipe the screen at nilagay ko sa may tenga ko yung phone.

"Hello?" di ako sumagot pero ang ganda ng boses ng babaeng nasa kabilang linya, pero medyo halatang galing siya sa pag-iyak.

"Alam kong naririnig mo ko. Please, pwede bang isauli mo kahit yung pera na lang, para kasi yan sa pag-oopera ng mommy ko huhu-" pinatay ko na yung phone. Napailing ako ulit.

Tiningnan ko ulit yung bag at may nakita akong resibo doon. Kinuha ko naman ito at tiningnan. May pangalan ito ng hospital. Napabuntong-hininga ako.

Ewan ko ba, waring may kung anong bagay na humaplos sa aking puso.

---

Nakarating naman ako sa hospital. Tinext ko yung number na gamit niya sa pagtawag na kitain niya ko sa labas. Di ko alam pero medyo na babaliw ata ako. Pa'no kung ipahuli niya ko sa pulis?

Natigil ako nang tumunog yung phone kaya sinagot ko na yung tawag.

"N-nasa likod mo na ko." sabi niya. Mahina ko naman siyang nilingon at medyo kinabahan ata ako. Nakasuot naman ako ng mask at nakasumbrero so di niya makikita itsura ko pero siya kitang-kita ko siya at di ko maiikukubling nagagandahan talaga ako sa kanya at ang amo niyang tingnan. Maputi, medyo matangkad, mahaba at maganda ang bagsak ng kanyang buhok. Maganda na kilay at mata na may mahabang pilik mata.

Medyo natulala ako nong una pero nabalik din naman ako sa aking ulirat at mahinang inabot yung bag niya. Wala akong kinuha na kahit na ano mula do'n.

Tinanggap niya naman. Medyo namula pa siya at parang naiiyak.

"Salamat." sabi niya sabay punas ng kanyang luha. Napabuntong-hininga ako at tinanguan siya sabay lagpas.


First time kong gawin ito sa tanang buhay ko ng pagiging isang magnanakaw. Di ko maipaliwanag pero ang gaan ng pakiramdam ko.


<END OF PROLOGUE>

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now