Chapter 5- Youth Bonding

6 2 0
                                    

           ~Zipporah~

"Magsisimba ako sa linggo, ikaw ng bahala kong sasama ka"  sabi ko kay Levi nang makapasok kami sa bahay. Dumiretso na kami sa kwarto namin. Well, may banig naman ako sa sahig. Hindi kasi gentlemen si Levi, sabagay di rin naman ako mukhang babae.

"At ba't mo gagawin yun?" tanong niya habang tinatanggal na yung sapatos niya. Naupo naman ako sa banig ko at tinanggal na din yung sapatos ko.

"Syempre, mag-oobserve ako and later, we can make our plans na."

"Tsss. Ang sabihin mo gusto mong isnatchin si Deu."

"Ayhhh grabe siya, baka ikaw gusto mong isnatchin si Shekinah at selos ka kasi close sila ni Deu at si Deu magaling kumanta, magaling magplay ng instruments at gwapo siyempre, ikaw maputi ka lang"

"Anong sinabi mo?" nagulat ako don at narealize ko yung sinabi ko.

"Uh, w-wala--- arayyt!"

Napaaray talaga ako sa sakit nang hawakan ako sa right ear ni Levi. Hinawakan ko naman yung kamay niya para pigilan siya.

"Anong ibig sabihin ng maputi ka lang haa " hala inis talaga siya do'n. Ansakit ng tenga ko huhu

"Waahh. Bitawan mo ko, Ibig kong sabihin, maputi ka lang at gwapo din naman." pagkasabi ko non ay binitawan niya ako agad.

Hinimas-himas ko naman yung tenga ko.

"Ang brutal mo Levi." sabi ko sa kanya.

"Wag mo kong ikokompara sa Deu na yon..."

"Opo. Opo."

"Lumabas ka muna. Magbibihis ako."

"Okey po sir." sabi ko na lang at lumabas. Tsss.

-----


Sunday

Nakasuot na  ako ngayon ng white t-shirt ko ta's nagblack jeans pa din ako at white rubber shoes ta's nagsumbrero na din ako. Pupunta na ako ng simbahan. ^^

At sasama naman si Levi guys pero ang usapan namin after namin sa simbahan. Magpaplano na kami. Ang totoo, nagdadalawang-isip na talaga ako pero patay din kami kapag di namin to ginawa.




----

Nakapasok naman kami sa church at may mga usher naman na sinalubong kami. Waww, marami atang mayayaman dito kasi ang gaganda ng mga damit nila. Kami ni Levi nakat-shirt lang at rubber shoes, of course my jeans haha.

Sinalubong naman kami ni Grace at pinakilala niya kami sa mga ibang kasamahan na youth. Pinaupo niya naman kami katabi ng ibang youth.

"Hi Zipp ;>" napalingon ako sa nagsalita and saw Shekinah at nakipagshake hands siya sa amin.

"Buti't nakarating kayo hehe."

"Uh. Oo hehe." sabi ko na lang. Pero inoobserve ko naman si Levi na parang di mapakali sa presensya ni Shek.

Nakita ko naman si Deu na pumunta na sa may piano niya. Nakatingin lang ako sa kanya haiii. Napatingin pa talaga siya sa akin at nginitian niya ako at tinanguan. Para naman akong lumutang.

Aminado naman akong si Deu yung pinunta ko ngayon at hindi si Lord. Hehe

At yun, nagstart na at ang ginawa naming dalawa ni Levi ay nag-observe lang naman. Pumapalakpak lang ako sa praise and worship at kumakanta din pero nakatingin kay Deu. Haiiii.


MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt