Chapter 19- Hopeless

8 1 0
                                    

          ~Zipporah~

1 year & 6 months later

"You're limitless, nothing's too hard for You
You're Limitless, there's nothing you cannot do
You are greater and you're stronger more than anything!"

Umaattend kami ng concert ngayon. Nakijam naman kami. Pinagpapawisan na nga ako eh pero sige pa din.

Nagulat ako nang may bumangga sa akin kaya napaatras ako at may nabangga ako sa may likuran. Binaliwala ko na lang yung nakabangga sa akin at tiningnan yung nabangga ko para magsorry.

"Sorry." sabi ko pero nagulat ako nang makilala siya.

Levi ..

Di ako nakapagsalita kasi iniisip ko pa kung siya ba talaga ito. Medyo may nagbago sa kanya. Nakangiti siya nong matingnan ko kanina pero natigil din siya ng makita ako.

"L--" di ko na natuloy kasi may grupo ng mga youth na humila sa akin at sinali ako sa linya nila.

"S-sandali" sabi ko pero nadala na din ako ng current nila.

----

Nakaalis din ako pero pagbalik kO wala na siya. Nilibot ko naman ang aking paningin. Naglakad-lakad ako para hanapin siya pero di ko siya nakita. Lumaylay yung balikat ko do'n.

Kinwento ko naman kina Grace pero di daw nila nakita. Haiiiii.

-----

Nakalimutan ko pa lang ikwento, nag-aaral ako ngayon sa kursong Business management. 1st year college pa ako. Pinagtutulongan akong pag-aralin ng family ni Shek at ni Deu pero nagtatrabaho din ako sa isang restaurant at the same time di naman pwedeng iasa ko sa kanila lahat. Nagtitinda din ako ng snacks sa school para dagdag kita. So, I got a busy life pero may time pa din ako kay Lord.

Gabi na ngayon at duty ko na sa restaurant as a service crew. Kinuha ko na yung order ng customer. Tiningnan ko muna yung number at hinanap yung table. Nakita ko naman kaya naglakad ako palapit rito.

I formed a smile para sa customer. Babae at lalake ito na sa tingin ko ay magjowa ata kasi medyo parang sweet. May pasmile smile pa eh. Agad din akong natigil nang makilala ang lalake. Si Levi ulit.

Sure na talaga ako na ito si Levi. Nakangiti siya ngayon habang nakikipag-usap sa babae. Inaamin ko, gwapo na sa paningin ko si Levi ngayon. Tiningan ko yung babaeng kausap niya at di maiitanggi na maganda ito.

Di ko alam pero nag-iba bigla yung pakiramdam ko. Medyo nagtatampo din ako ng kunti kay Levi kasi hindi niya ako hinanap o kinamusta man lang na parang wala kaming pinagsamahan. Kasi ako ginawa ko lahat to find him even if failed lahat.

Kinompose ko na lang sarili ko and tried to act na di apektado.

"Excuse me ma'am, sir- Ito na po yung order nyo." sabi ko at pilit na ngumiti. Napatingin naman sila sa akin at napansin ko na natigilan din si Levi nang makita ako. Pero di ko siya tiningnan. Nag-act lang ako na hindi ko siya nakita.

Kinuha ko na yung table number nila at umalis na.

Habang nagtatrabaho ako ay di ko maiwasang mapadaku ang tingin sa table nila. Napailing na lang ako.

---

Nakalabas na ako ngayon ng restaurant. It's 9:00PM na. May assignments pa pala akong gagawin pag-uwi ko.

Natigil ako nang tumunog phone ko kaya kinuha ko yun.

Deu

Sinagot ko naman.

"Hello?"

"Zip. Pauwi ka na?"

"Uh. Oo."

"Susundoin kita. Ihahatid na lang kita."

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now