Chapter 13- Acoustic Night

7 1 0
                                    

        ~Zipporah~

Malayo-layo kasi yung venue kaya matagal tagal kami dumating.

Habang nasa byahe ay kumanta sila ng Kristyanong inlab. Ganon na din si Deu nakisabay. Sumali na din ako kahit di ko memorize yung lyrics. Chinicheck ko naman si Levi. Nakatingin lang siya sa labas pero napapansin kong napapangiti siya minsan.

-----

Nasa kwarto na kami ngayon. Parang ayaw ko pang magbihis. Pinagmasdan ko pa yung sarili ko sa salamin eh. Gandang-ganda sa sarili. Kinikilig pa ako kasi nagpapicture si Deu sa akin.

"Wow, ansaya mo siguro." -Levi

"Oo naman." sabi ko pa ta's ginaya ko yung porma ng yung parang sumasayaw kanina sa 18 roses. Bali yung porma ni Alleah at nag-imagine ako na may kasayaw ako.

"Ano kayang feeling na isayaw Levi." sabi ko pa ta's ganon pa din may pasayaw-sayaw. Nagulat ako nang bigla akong natisud ng sarili kong paa. Buti na lang nasalo ako ni Lev- O///O

Para pala niya akong naakap at nakahawak yung mga kamay ko sa balikat niya. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Lumayo naman ako sa kanya. Nakita ko siyang namula at parang nahiya din sa nangyari.

"Mag-ingat ka nga. Baka lagnatin ka na naman." sabi niya.

Lagnat agad?

Napailing na lang ako sa harap niya.

"S-salamat." yun na lang ang sabi ko. Aalis sana ako nang hawakan niya yung left hand ko. Nanginit ako bigla.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong. Sa ikinikilos niya, nacoconscious tuloy ako na babae pala ako ta's sa iisang kwarto kami natutulog. Di naman siya sumagot at pinatong niya yung isa kong kamay sa balikat niya ta's yung isa hinawakan niya kaya yung porma namin ay parang yung sasayaw.

"A-anong-"

"This is how it feels like Zipporah." after he said that ay sumayaw kami ng walang music. Yung naririnig ko lang ay ang kabog ng puso ko. Gusto ko mang kumawala ay di ko magawa na parang sa loob ko gusto ko yung nangyayari. Iniwas ko na lang yung tingin sa kanya at kung saan-saan tumingin.

"Woww, g-ganito pala." sabi ko na lang para di masyadong tahimik.

"Hmmh. Oo." sabi niya.

"So, how does it feel?"

"Ummmh. Awkward ata? Haha." natawa naman siya.

"Depende siguro kong sino kasayaw mo."

"S-siguro."

"Pa'no kong si Deu?"

"Huh?"

"Sige imaginen mo na lang na ako si Deu." nong sabihin niya yun tiningnan ko siya at inimagine ko na siya si Deu.

"Uhhh. Siguro... hindi gano'n kaawkward at matititigan ko siya ng ganito." sabi ko.

"So kung ako, hindi." sabi niya. Inalis ko na lang yung tingin sa kanya. Grabe yung kabog ng puso ko. Haiii ano ba to?   ><

"Zip, naaalala mo yung nagalit ako nong susundoin sana kita ta's magkasama pala kayo ni Due?"

"O-oo"

"Hindi ako inis o galit sa 'yo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Inis at galit ako sa sarili ko." napatingin naman ako sa kanya.

"B-bakit?"

"Kasi... alang-alala ako sa yo. Kaya kahit wala akong sasakyan o payong man lang atleast, may kasama ka sa gitna ng ulan." nag-iba yung pakiramdam ko don.

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin