Chapter 12- Debut

7 1 0
                                    


      ~Zipporah~

      W E D N E S D A Y

Nasa may mall kami ngayon ni Levi. Naghahanap kami ng damit.

"Levi, anong susuotin ko. Mukha atang pangmayaman yung aattendan natin."

"Kung namomroblema ka, mas namomroblema ako. Wag mo kong tanungin." kanina pa kami paikot-ikot sa mall.

"Ta's sino pang mag-aayos sa atin?"

"Diyan na lang tayo sa may salon baka may makatulong sa atin." -siya

"Buti pa nga siguro." sabi ko naman.

Lumabas na lang kami ng department store.

"Di ka ba kinakabahan Levi "

"Kinakabahan. First time kong umattend ng party." -siya

"Sa bagay."

"Nagugutom ako. Gusto mong kumain ng Doughnut?" nang marinig ko yung suhestyon ni Levi ay nagliwanag ang aking mukha.

"Pero magpapamake up tayo di ba? Baka bumaho hininga natin."

"Umhhh. Bumili na lang tayo ng toothbrush dito"

"Hahaha. Sige."

Ayun, kumain talaga kami ng doughnut. Libre niya naman.

"Di ko akalaing magkakasundo pala tayo sa iilang bagay" sabi ko sa kanya habang ngumunguya ng doughnut.

"Ako din naman."

Napaisip naman ako.

"Sana ganito na lang. Yung di tayo nagnanakaw." sabi ko. Natahimik lang siya sa sinabi kong iyon.

---

Matapos naming kumain ay nagtoothbrush talaga kami sa mall. Haha. Matapos do'n ay pumunta na kami sa salon at nagpatulong sa baklang ando'n. Ayus naman kasi siya na yung naghanap ng susuotin namin at bahala sa mga itsura namin.

Magaling naman yung bakla. Dalawa yung nagtulongan sa amin. So isa-isa kami. Natapos na din naman ako. Dark blue lang na dress yung suot ko. Medyo fit siya ta's off shoulder, above the knee ng kunti.

Nakabun naman yung hair ko with a style ta's minake-upon na ako.

At chadaaan, ako ba talaga to?

Di ko halos makilala yung sarili ko at nasabi kong maganda pala ako. Mahina akong napangiti. Ang totoo kasi, pangit yung tingin ko sa sarili kaya wala akong gaanong confident.


"Nagustohan mo ba?"

"Hehe. Opo."

Lumabas na ako ng pinag-ayusan sa akin at naghintay do'n sa parang maliit na sala. Naupo na lang ako do'n at hinintay si Levi. Ang tagal naman ata. Nahirapan siguro yung nag-ayos sa kanya, o di kaya nirape na siya. Charot lang, joke.


Inopen ko na lang yung phone ko. Natigil ako nang tumawag bigla si Deu. Umukso talaga yung puso ko do'n. Dali-dali ko naman yung sinagot.

"Hello Deu." parang nagpacute yung boses ko do'n.

"Hello Zip. Asan kayo?"

"Uhh. Nasa mall pa kami. Bakit?"

"Susundoin ko na lang kayo, pinapasundo kasi kayo ni Shekinah."

"Uh sige."

"Hihintayin ko na lang kayo sa labas ng mall."

"Sige."

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Место, где живут истории. Откройте их для себя