Chapter 8- Love Has A Name

9 1 0
                                    

             ~Zipporah~

Inexplain niya naman yung verse and it's all about the love of God na kahit sarili niyang anak hindi niya ipinagkait sa atin.

Natouch naman ako ng message na yun, inelaborate pa kasi yun ni Deu na maging sino ka man, gano man tayo kasama or ano mang nagawa natin He is faithful and just to forgive us our sin.

Sabi nga daw sa kanta, My sin was great your love is greater.

Pinaopen niya din kami sa 1 John 3:16

'This is how we know what love is: Jesus Christ laid down His life for us. And we ought to lay down our lives for our brothers.

"Sabihin niyo nga sa katabi niyo, I love you bro, I love you sis." sabi ni Deu.

Sumunod naman sila.

"I love you bro huhu!" sabi pa ni Jethro ta's inakap-akap si Deu at Albert. Natawa na lang kami.

"I love you Deu," natigil naman sila lahat sa sinabi ko kaya napatingin sila sa akin. Nagulat din ako, yun kasi yung nasa isip ko kanina pero nailabas ata ng bibig ko. Natigil din si Deu at napaisa yung kilay niya habang nakatingin sa akin.



"A-haha. I mean. I love you all."

"Ahhh. Hahaha." Natawa naman sila. Napakamot na lang ako sa batok ko and Deu continued.

"Just like the way God loves us, that's the way that he wants us to love others too with the best we can kasi minahal tayo ni Lord kahit di tayo kamahal-mahal, so kahit sa tingin natin hindi naman kamahal-mahal ang isang tao, still we are ought to love him or her."

"Amen!"

Marami pang sinabi si Deu at narealize ko na may pagmamahal pala na walang sinumang makakapantay, ito ay ang pagmamahal ng Dios sa atin. At nakakaiyak lang isipin na mahal niya ako kahit ganito ako. Mas nafeel ko ang pagmamahal niya ngayon.

Binasa din namin yung 1 Corinthians 13-- at mas naintindihan ko yung love dahil do'n. Mas diniinan ni Deu yung 'it keeps no record of wrongs' Ganyan ang pagmamahal ni Lord. Yung mga kasalanan natin hindi niya na yun nililista para pag magkamali tayo ulit irerecite niya na naman yun at isumbat sa atin, gaya ng ibang tao.

Sumang-ayon naman kami.




"I want to end with this, LOVE HAS A NAME- AND THAT NAME IS JESUS."

nagpalakpakan naman kami. Parang gumaan yung pakiramdam ko bigla. Feel na feel ko na may nagmamahal sa akin.

Natapos na din naman ta's nagsharing pa kami. Nagbigay pa ng testimony si Jethro, isa pala siyang gangster noon at basag-ulero pero noong makilala niya si Kristo, siya ay nagbago ta's gumwapo daw siya lalo. Natawa na lang kami. Si Leah naman, suicidal daw siya kasi empty na empty daw yung life niya at nagpasalamat siya dahil ginamit ni Lord si Zoie dahil ininvite siya one youth service ta's nainspired daw siya sa songs nina Deu at Shek.

Ako kaya magagamit kaya ako ni Lord. May kanya kanya silang kwento, lahat pala kami dumanas ng hirap at lungkot na si Lord lang ang makakapawi.



Nong tinanong na ako ng sa akin, nagpass muna ako. Naintindihan naman nila. Alangan namang sabihin ko na nagplano kami na nakawan sila ta's nainspired ako kay Deu kasi ninakaw ko yung phone niya. Haissst.



"Umm. Zip, pwede ka ba naming ipagpray after?" -Shek

"h-huh?" kahit nahihiya ay napatango na lang ako.

Bago kami nagtapos ay umawit muna kami nga' What a Beautiful Name'

And after, they formed a circle around me and laid their hands sa akin and started to pray lead by Shekinah. Pumikit na lang ako at di ko maipaliwanag yung haplos sa aking puso while they're praying at umiyak ako. I suddenly felt God's love for me at nakapagdesisyon ako na magbago na talaga, no matter what it takes. It's not just about chasing Deu now, It's now about chasing after God.

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now