Chapter 14- Back to the Headquarters

7 1 0
                                    

 

      ~Zipporah~

Natigil ako nang makita ko si Levi na galing din sa pag-iyak at napatingin na din sa akin. Para din siyang natigil nang makita ako. Ngumiti na lang ako sa kanya ng mahina. He smiled pabalik at inabot yung left hand niya. Mahina ko namang kinilos yung kamay ko at tinanggap yung kamay niya. Hinigpitan niya yung hawak sa akin. Pumikit na ako and started to pray for him. Parehas lang kasi kami ng sitwasyon.

I believe may purpose si Lord ba't kami ang nagkasama sa mission na to from Abra. May purpose din siya ba't siya yung katabi ko ngayon.

I believe this is His will.

---

After that ay tumugtog ng praise song. Para siyang JAM at si Shekinah at Deu yung naglead. Bagay talaga sila. Anyway, di ako nagpadestruct nagfocus ako kay Lord. Habang nagpipraise kami, may mga bubbles pa.

Ang saya ko.

"We are running, Chasing afterall that You are, We are running 'coz all that you are is all that we want now. Oh- Wooh-Wooh-Wooh!"

---

Nong matapos na ay ang gaan ng pakiramdam ko. Tumulong na ako sa pagbibigay ng mga snacks. Di na mapalis yung ngiti ko sa labi.

Naggroup hug naman kami lahat ng youth after. Inakap pa kami ni Levi nong iba.

"Tatandaan niyo Levi at Zip. Masaya kami na nakilala at nakasama namin kayo." sabi ni Grace habang hawak kami pareho. "And we are a FAMILYYYYYY!"

"GROUP HUGGGG!" dahil sa group hug na yun. Kami yung napagitnaan kaya napapadikit din ako kay Levi. Nanginginit tuloy ako. Para din siyang nahihiya pero ngumingiti na lang siya. Nginitian niya na lang din ako.

Tumulong kami sa restoration.

"Zipporah." napalingon ako sa nagsalita. Natigil ako nang makita si Deu. He smiled at inakap ako ng maluwag ta's lumayo din agad. Lumipad talaga kaluluwa ko do'n.

"B'ba't-"

"I just felt like you're in a deep battle now a days, just want to let you know that you're not alone in the fight, andito kami at ako, we're praying for you and Levi." mahina naman akong napangiti don..Gusto kong umiyak. Di ko kasi akalaing sasabihin yun ni Deu.

"Basta kung kailangan mo ng tulong ko, I'm only a call away."  tumango na lang ako.

----

Nakauwi na kami ni Levi. Kakapasok lang namin ng bahay ng tumunog yung phone niya. Kinuha niya naman ito at bigla siyang namula. He look at me ta's naglakad papunta sa tabi.

"Hello."

"Ginagawa namin yung trabaho namin." sa sinabi niya alam ko kung sino yung kausap niya. Kinabahan na din ako at nasabi ko talagang nagsisimula na.

"Andito siya." pagkasabi non ay lumapit si Levi sa akin at niloudspeaker niya yung phone.

"ZIPPORAH!"

"Opo."- ako

"WAG NIYO KONG PINAGLOLOKO HA. AKALA NIYO DI KO ALAM ANONG PINAGGAGAWA NIYO!? PUMUNTA KAYO DITO BUKAS AT IREPORT NA YUNG PLANO! KUNDI MALILINTIKAN TALAGA KAYO!" napapikit ako don. Namatay din naman yung tawag. Binuksan ko na yung mga mata ko and look at Levi na nagbigay din ng isang malalim na buntong-hininga.

---

SATURDAY

Pareho kaming tahimik ni Levi habang nasa byahe pabalik sa headquarters. Siguro pareho kami ng iniisip.

---

Nakarating din kami and Levi presented our plan sa group. Habang nagdidiscuss si Levi ay wala ako sa sarili. Naiiyak ako na iwan. Ayaw ko na kasi.

"Good. May nagawa din naman pala kayo. Akala namin tinraydor niyo na kami. So kailan niyo ito planong gawin?"

Napatingin ako kay Levi na nasa harap lang. He also look at me. Tumayo ako mula sa aking kinauupoan.

"Icacancel natin ang planong ito."

Natigil sila't napatingin sa akin. Naalarma din si Levi sa sinabi ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin Zipporah?" -Abra

Kumilos ako at matapang na hinarap sila.

"I quit." katahimikan ang bumalot sa lugar matapos ko iyong sabihin.

"Zipporah." mahinang sabi ni Levi sabay hawak sa braso ko na parang gusto niyang sabihin na bawiin ko yung sinabi ko.

Natigil ako nang tumawa si Abra at nagsimula na ding tumawa yung iba. By the way, ako lang yung babae rito.

Nakita kong pumalakpak si Abra habang tumatayo.

"Nagpapakatawa ka ba Zipporah?"

Umiling ako.

"Seryoso ako." sabi ko. Nagulat ako nang lumapit siya at bigla akong hinawakan sa magkabilang pisngi through his right hand at medyo masakit yun.

I hold his wrist to stop him pero di ko magawa.

"Pa, tama na!" -Levi

"Manahimik ka Levi!" saway niya kay Levi ta's sa akin ulit ang tuon ng pansin.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Zipporah. Sa tingin mo ba basta-basta ka na lang makaalis?" tumawa siya ulit. "Buhay mo ang nakataya at ng taong nakapaligid sa yo. Tandaan mo yan." tinulak niya ako. Buti na lang ay nasalo ako ni Levi.

"Zip." mahina niyang sambit sa pangalan ko at alam kong nag-aalala siya sa akin.

"Turoan ng leksyon ang babae na yan!" nagulat ako nang lumapit sa akin yung dalawa naming kasama at hinila nila ako.

"Sandali!" inaawat naman sila ni Levi pero may humawak din sa kanya palapit.

"Pa, pakawalan niyo siya!"

"Wag kang makialam dito Levi! Wag mong sabihing gusto mong traydorin ang sarili mong ama!"

Yun lang ang tanging narinig ko bago ako pinasok don sa parang kwarto sa headquarter namin. Sinipa nila ako papasok at pinagtulongang bugbogin. Namilipit naman ako sa sakit and tried to protect myself pero wala din akong nagawa. Napaiyak na lang ako and prayed: 'Lord rescue me'

Nagulat ako nang may humila sa kanila kaya napaatras sila't natumba. Nakita ko naman si Levi at bakas sa mukha niya yung galit.

"Pambihira tong bata na to!" nagulat ako nang sinugod siya nong isa at nasuntok siya kaya napaatras siya ng kunti. Nabaling pa yung mukha niya sa akin. Napatitig pa siya sa akin sandali bago sinuklian ng suntok si Dino (40+ ang edad). Napaatras naman ito't natumba.

Naalarma na ako at mahinang bumangon. Pinagtulongan naman siya nong dalawa. Magaling naman si Levi pero natatamaan din siya minsan. Kahit nanghihina ay tumayo ako.

"Levi tama na!" sigaw ko kasi nasasaktan na siya. Lumapit ako para awatin sila.

"LEVI!" natigil kami sa sigaw na yun. Bumitiw si Levi kay Dino at umatras. Ganon na din ako. Galit na galit yung mukha ni Abra.

Lumapit siya sa amin. Kinabahan tuloy ako. Tinitigan pa niya ako ng masama ta's lumapit siya kay Levi.

Nagulat ako ng sinampal niya si Levi ng napakalakas. Sumeryoso lang si Levi at hinarap siya.

"Ayusin mo 'to Levi at tapusin niyo yung mission kung ayaw mong ilibing ko kayo ng buhay ng babaeng ito."

Matapos niyang sabihin iyon ay pinalabas niya na yung iba at sumunod din siya pero bago pa siya makalabas ay tiningnan niya kami ulit.


"Magtanda kayo!" sigaw niya pagkuway sinara niya yung pinto. Narinig pa naming tumunog yung lock sa labas. Tumulo ulit yung luha ko pero agad ko naman itong pinunasan.

<END OF CHAPTER 14>

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now