"Aargh." daing ko. Napadapa ako sa sahig. Lumapit ito saakin at hinawakan ang panga ko ng mahigpit.

"Pasalamat ka at wala ako sa mood para gawing abo kang matanda ka." Ani nito at binitawan ng marahas ang panga ko.

"Dalhin n'yo na iyan." Utos nya. Itinayo ako nila Greed at Pride. Nagsimula kaming maglakad. Umakyat kami sa hagdanan. Hanggang makita ko ang mga pamilyar na mukha. Sila Shera. At ang iba pang estudyante ng Akademus De Magique. Nakakaawa ang kalagayan nila.

"Saan n'yo sya ilalagay falcon?" tanong ng kasama nila.

"Basta kami na bahala mauna na kayo." Ani ni Pride. Iniwan naman kaming tatlo nito. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko ng makita ang mga hari at reyna. Nahahabag ako sa itsura nila. Tila ba napakatagal na nilang nagtitiis. Alam kong matagal na pero hindi ako makapaniwalang ganito ang lagay nila. Dahil iba ang oras sa ibaba na pinanggalingan ko. Lumandas ang luha ko ng makita sila Afira. Napakagat ako ng labi dahil bakas sa kanila ang hirap. Mukhang pinahihirapan nila silang lahat. Hayop talaga sila Lucian.

Huminto kami sa tapat ng selda ng mga Elementals kasama nila sila Afira, Varon, Safiro, William, Ivon, at Wisky. Sa tapat nila ang selda ng mga hari at reyna. Napatingin sila saakin. Lumakas ang tibok ng puso ko. Gustong lumandas ng luha ko.

"D-dahan-dahan naman ang paghawak kay lola." bumilis lalo ang tibok ng dibdib ko ng marinig ang boses ni Hyro. Binuksan nila ang selda nila Hyro. Nanlumo ako ng makitang nakakadena sila at nababalot ito sa mahika. Tinulak ako ni Greed.

"Aray naman." nakagat ko ang labi ko sa pagrereklamo ko. Boses matanda parin naman ang tinig ko kaya hindi nila ako makikilala. Narinig ko ang tawa nila Pride at Greed. Nilagyan din nila ako ng kadena.

"Kayang-kaya mong gawing abo ang mga kadena dito ang hihina." bulong saakin ni Pride ng makabit nila ang kadena.

"Tatawagin ko kayo pag oras na." Pagkausap ko sa kanila gamit ang utak.

"Makakaasa ka, my Lord."

Napangiti ako sa utak ng marinig iyon. Lumabas na sila. Sinaraduhan nila ang selda. Napatingin ako sa mga kasama ko. Mga nakatingin din ito saakin. Naaawa ako sa mga itsura nila. Halatang pinahihirapan. Puro dugo. Medyo tumanda ang mga itsura nito marahil sa taong lumipas. Lalo na ang mga hari't reyna.

"L-lola ngayon lang kita nakita. Saan ka nabibilang?" tanong ni Allica. Lumandas ang luha ko.

"H-hala bakit ka naiyak lola?" nag-aalalang tanong ni Erfie. Hindi sila makalapit saakin dahil mga nakakadena ang mga kamay nila pataas sa pader kahit ako din ay ganoon.

"M-may sugat ka lola." Ani ni Varon. Umiling ako.

"I-ilang taon na kayo nandito?" tanong ko.

"A-nim taon na lola." pumiyok ang boses ni Afira. Alam kong hindi nya alam na ako dahil hindi nya magamit ang kapangyarihan nya. Lalo ako napaiyak na ipinagtaka nila.

"S-sorry." ani ko. Kita ko ang pagtataka nila. Huminga ako ng malalim. Sa isang iglap naging abo ang mga kadena ko sa kamay. Rinig ko ang singhapan.

"P-paano? Hindi basta basta ang mga kadena nila?" Naguguluhang tanong ni Sapiro. Ikinumpas ko ang daliri ko. At sa isang iglap bumalik ang totoo kong itsura.

"V-vera." sambit ni Afira. Ngumiti ako. Isang mata lang ang nakakakita dahil ang isa ay natatakpan ng eye patch na sinasabi ni Lust.

"Tatakas tayo dito. Kaya n'yo ba?" tanong ko. Mabilis kong ginawang abo ang mga kadena nila. Pati ng mga hari at reyna At ng iba pa. Kailangan naming mag-madali dahil alam kong mararamdaman nila ang pwersa mula saakin.

"Wag kayong maingay." Ani ko tumango sila. Pero nanigas ako ng isang bisig ang yumakap saakin.

"S-sorry Vera." bulong ni Hyro. Tumango ako. Yumakap din saamin ang ibang Elementals at si Afira. Humiwalay ako ng may narinig akong papalapit at sa isang iglap tatlong bantay ang nakalapit sa selda namin.

"Nakatakas sila sa kadena." Asik ng isa.

"Andito ang Lioht seed---" Hindi nito natapos ang sasabihin nito. Mabilis kong itinaas ang eye patch na nasa kaliwang mata ko.

"Walang titingin sa mata ko." Ani ko kila Afira. Sa isang iglap nahigop ko ang kaluluwa ng mga bantay. Humarap ako sa kanila. Binalik ko ang eye patch ko. Kita ko ang pagkagulat nila.

"Walang oras. Magagamit n'yo ba ang kapangyarihan nyo?" tanong ko. Tumango sila. Hinawakan ko ang bakal na kulungan. Naging abo ito. Maging ang iba ay naging abo ng hawakan ko.

"S-sino ka talaga Vera?" tanong ni Haring Xenon. Hinarap ko ito.

"I'm Vera Lyrif Freed. Daughter of Lucian Freed the king of Deorc palace. And my magique is Deorc Destruction." Ani ko. Inilabas ko ang Deorc Sithe ko.

"And lastly I'm Goddess of Destruction. Ngayon nasagot ko na ang tanong mo mahal na hari. Kailangan ko ng kooperasyon nyo." Ani ko. Tumango sila. Humarap ako sa elementals.

"Kailangan na nating tumakas." Saad ko. Tumango sila. Pumikit ako sa at pumitik sa hangin para makalabas sa lugar na iyon pero sa paglabas namin sumalubong saamin ang hukbo ni Lucian at ni Lucy. Napangisi ako. Ito na ang totoong laban.

"Maligayang pagbabalik mahal kong anak." Ani ni Lucian. Ngumiti ako dito. Nilingon ko muna sila Hyro. Napangiti ako ng maramdamang handa silang lumaban. Humarap ako sa aking ama. Tinanggal ko ang takip ko sa mata. Kita ko ang pag-atras ng iba nilalang.

"Handa kana ba ama?" tanong ko. Ngumisi sila ni Lucy. Nilabas nila lucy ang lioht weapon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa Sithe. Naramdaman ko ang malamig na apoy na itim at pula na bumabalot saakin. Itinaas ko ang sithe ko.

"I'm the Goddess of Darkness. When I call your name bow down to the Queen of Destruction." Sambit ko.

"The Seven deadly sins. Sloth, Gluttony, Envy, Lust, Wrath, Greed and Pride." Sa isang iglap lumitaw ang pito. Kasama ang mga alagad nito. Humarap ulit ako kita Hyro.

"Afira." tawag ko dito.

"Vera." sagot n'ya.

"Greed. Ilayo mo si Afira dito. Ayun lang ang gagawin mo. Kami ng bahala dito."

"Pero Vera." Angal ni Greed.

"Kung ayaw ni Greed ako nalang sasama kay Afira baby." saad ni Lust. Umiling ako sa huli pumayag si Greed. Nang naglaho sila. Humarap na ako. Lalong ngumisi si Lucy. Itinaas nito ang lioht weapon n'ya. Lumiwanag ang paligid.

"Hindi." napalingon ako ng narinig ang boses ng mahal na reyna. Kita ang mga takot sa mga mata nila.

"Nawala ang mga magique nila." Ani ni Lust. Mabilis ko silang nilagyan ng proteksyon.

"Vera! Vera! lalaban din kami!" Asik nila Hyro. Humarap ako sa kanila.

"Laban ko to. Hindi nyo ito laban. Matatapos na to." Ani ko. Humarap ako sa mga kalabang napakadami. Para itong dagat ng mga Deorc users. Napatitig ako sa katabi ni Lucy si Dustin. Walang buhay ang mga mata nito. Tinitigan ko ng malamig ang aking ama.

"Ako mismong wawakas sa buhay mo." Ani ko. At sa isang iglap nagsimula na ang laban.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon