Deorc Eidenai

40 3 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Pagmulat ko nasa tapat ako ng bahay namin. Wala ng bakas nila mama pero may dalawang libingan akong nakita. Hinaplos ko ang mga batong nakapatong sa puntod. Unti unting lumuha ang mga mata ko. Nang mahimasmasan ako pumasok ako sa bahay. Dumiretso ako sa silid naming tatlo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang mapadako ang tingin ko sa kahon ni mama. Hindi nya pinagagalaw ang gamit nya. Walang ingay ko itong binuksan. Sa pagbukas isang pulang sobre ang lumutang. Bigla itong bumukas at sa pagbukas isang sulat ang nakita ko. Sulat para saakin.

Mahal kong anak Vera,

Pagnabasa mo ito ay marahil wala na akong sa mundong ito kasama si Vena. Nakatakda na itong mangyari. Kasama ito sa tadhana mo. Alam mong isa akong seer. Anak may nais akong sabihin sayo. Sa pagkawala namin gusto kong lisanin mo ang lugar na ito at pumasok sa Akademus De Magique. Doon ka magtungo. Mas ligtas ka doon. Mahal na Mahal kita anak. Wag mong sisisihin ang sarili mo sa anumang mangyayari sa mga susunod pa. Mag iingat ka sa iyong paglalakbay. Hanggang dito nalang mahal kita anak.

Pagkatapos kong mabasa. Biglang nasunog ang sulat. Mabilis akong nag ayos ng gamit. Kinuha ko ang ilang mga importante kong gamit at pagkatapos mabilis na sinunog ang bahay at gumawa ulit ng portal papuntang Akademus na sinasabi ni mama. Lumaki ang gulat ko ng kung saan ako nagising kanina ay doon ako dinala. Napabungtong hininga nalang ako. Lumabas ako sa silong bitbit ang mga gamit na kinuha ko bumalik ako sa silid na pinaggisingan ko kanina. Pagbukas ko ng pinto. Yung babae at yung matandang seer ang nasa loob napatingin naman ito saakin.

"Hija." masayang bati nung matandang seer. Nagpaalam si Ms. Trish.

"Upo ka." Umupo ako napatitig ulit ako sa bulaklak nito isa nalang.

"Alam kong mamamatay na ako." nagulat naman ako. Pero may ngiti ito sa labi.

"Tapos narin naman ang misyon ko." Sabi nya.

"Apo Arem ang tawag saakin." Sabi nya.

"I'm---"

"You're Vera Lyrif Verona. Alam ko." ngunot naman ang noo ko.

"Paano?" tanong ko. Ngumiti lang ito. May inabot sya saakin mga papel.

"Kaibigan ko ang iyong ina. Ito ang schedule mo for this school year. Niregister ka dito ng mama mo. Ito ang susi ng dorm mo. Makakasama mo ang mga royalties." Inabot nya rin saakin ang isang asul na kahon. Hindi naman ito kalakihan.

"Royalties?"

"Yung mga kasama kong elementals kahapon." I nod.

"Bukas automatic may uniform and I.D kana. Wala kapang rank dahil bago ka. Mag iingat ka hija. May tiwala ako sayo. Malilinlang nila ang iba pero ako hindi." Ani nito.

"Magpakatatag ka. Isang karangalang makausap at makilala ka. Sige na pumikit ka at dadalhin kita sa iyong dorm." gaya ng sabi n'ya ay pumikit ako. Narinig ko ang pagpitik nito at sa pagmulat ko nasa tapat na ako ng pinto ng isa napakalaking mansyon.  Pumasok ako gamit ang susi pagbukas ko bumungad saakin ang living room kung nasaan ang mga royalties na sinasabi ni Apo Arem. Napatingin saakin ang mga ito. Kaya umiwas ako ng tingin ang mga emosyon nila ay iba iba. Si Allica halatang ayaw saakin. Yung tatlo kuryusidad ang nakikita ko. May lumapit saaking nakapangkatulong.

TWISTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora