Legendary Deorc Weapon

15 3 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Umaga na. Gising na ang lahat. May kanya kanya silang usapan. May plano na para mahanap ang Prinsesa. Pero pakiramdam ko mali ang gagawin namin. Hindi ko maintindihan. Idagdag pa ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko tinatapunan ng tingin ni Hyro pero ramdam ko ang sulyap nya saakin. Iniwanan ko ito kagabi sa kotse.

"Dapat may maiwan dito. Masyado na tayong madami." saad ni Dustin na sinang - ayunan nila.

"Ako nalang maiiwan." sabat ko. Napatingin sila saakin.

"Sigurado ka?" tanong ni Sapiro. Tumango ako. Wala akong alam sa mundong ito magiging pabigat lang ako. Hindi nagtagal umalis na sila. Magpapaiwan sana si Afira pero hindi pumayag sila Ivo dahi kakailanganin nila ang isang Seer. Alam kong nakita na ni Afira sa visio (vision) nya ang itsura ng Prinsesa. Tumungo ako sa silid ko. Isang mansion ang tinutuluyan namin pagmamay ari ito nila Wisky. Dito sila tumutuloy pagnag iistay sila sa mundo ng mga tao.

Pagpasok ko sa silid. Kinuha ko ang librong Deorc Eidenai. Dinala ko ito para may paglibangan. Binuksan ko at hinaplos ang pahina. Lumitaw ang nilalaman.

Legendary weapon of Deus Aìdes of Deorc.

Bigla akong napatigil may legendary weapon din pala ang Deus ng darkness. Biglang sumagi sa utak ko ang  itsura ni Deus Aìdes at ng kanyang kabiyak na si Tyres. Napakaperpektong mga nilalang. Binalik ko ang mga mata ko sa libro.

The Deorc Sithe (Scythe). The Sithe is a powerful weapon of destruction. Anything that was created can destroy by the sythe. It can cause grim to the people. It can curse anyone. Even the creation of the Legendary Lioht of Deus Lios can destroy by the Sithe. Deus Aìdes created this for a good reason. So he didn't allow anyone to use it to something bad. It's also called as the Descrussion ab lìf (Destruction of life.)

Biglang lumitaw ang larawan nito. Isang itim na karit na may itim na aura. Naibaba ko ang libro ng makaramdam ako ng itim na aura sa loob ng mansion. Mabilis akong nagteleport papunta sa aura na iyon. Napunta ako sa likod ng mansion kung nasaan ang hardin. Dalawang nakacloak ang nadatnan ko.

"Sino kayo?" tanong ko. Binaba nila ang cloack nila. Isang pamilyar na simbolo ang nakita ko. Simbolo na nakita ko sa mga sumugod sa tahanan namin noon kasama ng nilalang na pumaslang sa aking inat at kapatid.

"Mukha kang mahina para maging isang seed." Nakangising sabi ng isa may ombre itong buhok at ombreng mata. Isang illusionist. At ang kasama nyang may pulang buhok at itim na mata ay Deorc Fyr Users.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko. Tumawa ang mga ito. .

"Mukhang mananalo tayo sa darating na digmaan." Saad ng may pulang buhok.

"Hindi pa huli ang lahat mahal na Prinsesa. Maari kang umanib saamin at tayo ang maghahari sa buong magique woruld." Ani ng may ombreng buhok. Wala akong maintindihan. Tinawag nila akong prinsesa. Ako seed? anong seed?.

"Mukhang naguguluhan ang ating Prinse--AHHHHHH" napaluhod ang mga ombreng buhok.

"ANONG GINAGAWA MO?" Hiyaw ng may pulang buhok. Tinitigan ko rin ito.

"AAAAAHHHHH" sabay silang humiyaw.

"Helan Fyr." Bulong ko at ikinumpas ang daliri ko. (Hell Fire)

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon