The War

27 3 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Naglakad lakad kami ni Pride at Greed. Wala akong maramdamang lioht users. Puro Deorc ang nasa paligid. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. Pula ang kalangitan. Balisa ang hangin. At ang lugar na dating puno ng kulay at nawalan na ng buhay. Hindi ito ang Lioht world na nakita ko noon.

"Asan ang mga lioht?" tanong ko.

"Kinulong sila Vera. Dahil ayaw nilang magpasakop. Ang mga lioht na nagpasakop ay mahihina o di kaya hindi nila magamit ang magique nila." sagot ni Pride. Naikuyom ko ang kamao.

"Kailangan kong makapasok sa kulungan." Tumingin saakin si Greed at Pride saka tumango. Napatingin ako sa sa isang gawi na may mga kawal ng Deorc.

"Sasaniban namin sila." saad ni Greed.

"Paano?"

"Nasa kakayahan namin ang maging kaluluwa. Kaya nakakasanib kami sa iba't - ibang katawan." bulong ni Pride saakin. Biglang huminto ang paligid. Pati ang hangin ay huminto. Kaming tatlo lang ang nakakagalaw. Lumapit si Pride at Greed sa dalawang kawal ng Deorc. Bigla silang parang naging usok at pumasok sa dalawang kawal. Biglang bumalik ang paggalaw ng lahat nasa isang palengke kami sa lioht. Bigla akong nilapitan ng dalawang kawal hinablot ako.

"Sorry Vera. Kailangang marahas para walang makahalata." Rinig kong sabi ni Greed sa utak ko. Tumango nalang ako. Hila-hila ako ng mga ito ng ipasok sa isang kulungang hila-hila ng kabayo.

"Anong ginawa ng matanda yan Falcon?" tanong ng isa sa mga kasama nila.

"Nakita ko syang nagamit ng lioht magique na pinagbabawal ng mahal na hari at ng Prinsesa." Saad nung Falcon na ang nasa loob ay si Pride.

"Aba! matanda kana nga. Hindi kapa marunong sumunod sa nakakataas." Asik ng isa sa mga kawal. Bigla ako nitong binato ng Deorc Hydor spike.

"Ahhh" daing ko. Dahil tumama ito sa tagiliran ko. Pinigilan naman sya nila Pride at Greed. Kita ko ang galit nila ng makita nagdurugo ang tinamaan. Pero wala silang magawa. Sinensyasan ko sila na ayos lang.

Nagsimulang umandar ang kulungan. Napapapiksi ako sa kinauupuan ko ng pagbabatuhin ako ng mga Deorc users ng kung ano-ano para bang may nagawa akong hindi nila nagustuhan. Ganoon ba sila kagalit sa mga lioth?.

Napatingala ako ng makita ang mataas na palasyo pero parang may nagbago. Sa likod ng palasyo ay mas malaking gusali. Pumasok kami sa tarangkahan ng palasyo. Umikot ang sinasakyan ko sa gilid ng palasyo patungo doon sa gusaling napansin ko.

Nangilabot ako ng makarating kami sa tapat ng gusali. Binuksan nila ang kinalalagyan ko. Marahas akong hinila ng isa sa mga kasama nila Pride at Greed. Tulak tulak nila ako papasok. Nakaramdam ako ng galit ng nagbukas ang malaking pintuan ng lugar ay kulungan. Halos lahat ng nakakulong ay mga Lioht Users. Kita ang pagod sa mga mata nito. Napahinto ang nagtutulak saakin ng makita namin si Lucy. May ngisi ito sa labi na para bang kakatapos lang gawin ang gusto nya. Nanlamig ako ng makilala ang katabi nya. Si Dustin. Napatingin si Lucy saakin. Alam kong hindi nya ako makikilala dahil iba ang itsura ko. At ang aura ko ay tago.

"At sino naman iyang huklubang iyan?" tanong nito. Napatingin din saakin si Dustin.

"Princess, nakita po namin syang gumamit ng lioht magique na mahigpit nyong ipinagbabawal." sagot ni Greed alam ko sya iyon. Kita ko ang pagngisi ni Lucy. Sa isang iglap ay tumilapon ako sa may pader.

TWISTWhere stories live. Discover now