Ranking Test

18 3 0
                                    

Vera Lyrif Verona


Araw ng ranking test ngayon. Papunta ako sa arena. Nauna na ang mga royalties. Kasabay ko si Afira. Iba ang araw ng ranking test nila.

"Handa kana ba sa ranking test Vera?" tanong ni Afira. Nakakapit ito sa braso ko at hinihigit ako.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Natigil ito sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Nagpractice kaba?" seryosong tanong nito. Umiling ako.

"Hindi?" gulat na tanong nito.

"Kailangan ba?" Napakamot ito sa ulo.

"Kaya nga binigyan ng 1 week na walang klase para magsanay lahat ng students." Saad nito. Napakamot ako sa ulo. Napailing nalang si Afira at muli akong hinila.

"Anong gagamitin mo?" tanong nya.

"Kahit ano." I said.

"Galingan mo." sabi nya.

"Galingan mo rin sa ranking test." Saad ko. Nakangiting tumango ito. Pumasok kami sa arena. Madaming tao. Pero lamang ang mga students. May malaking stage sa gitna. Napatingin ako sa mataas na bahagi ng Arena. May mga trono. Hula ko para sa mga royalties.

"Hail Lioht Magique." Sabi ni Headmaster sa mic. Umingay naman. Ang lahat.

"Before we start the ranking test. I want to remind all of you. Take this seriously. For you to know your magique limits." Headmaster said. Biglang may tumunog na parang tambol na may kasamang tugtog.

"Hail to the Royalties." Nagsiyukuan naman kaya yumuko kami.

"Long live to the King and Queen of Erthe kingdom. King Alixar Ellis Collins, Queen Kyline Eliah Collins and to the Crown Prince Erfie Kyer Collins."

"Long live to the Aēra King Nicoline Forre, Queen Allison Sereny Forre. To the crown prince Amico Forre and to the Princess Allica Forre of Aēra Palace." Gusto kong iangat ang ulo ko may kapatid pala si Allica.

"Long live King Blaze Dylan Allarius, Queen Deesyel Allarius and to the crown prince Dustin Lyco Allarius of Fyr Kingdom."

"Long live to royal family of Hydōr Kingdom. King Arthur Wayde Wafian. Queen Blussy Aqualian Wafian and the crown prince of Hydōr palace. Prince Wiles Hyro Bluesean Wafian." Biglang may pumitik sa dibdib ko. Napapikit ako .

"And Hail to the king and Queen of Lioht Palace. King Xenon Skylar Remus and Queen Kendra Felicity Remus."

"Hail to the royalties."

"Hail to the royalties." Sigawan ng lahat. Napatingin ako sa mga royalties kitang kita ang lakas na taglay nila. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa ibaba ng mga  royalties. May tungkod ito. Isang seek katulad ni Apo Arem. Pero ang bulaklak nito sa loob ay dilaw na nababalutan ng itim na aura. Ang mga petals ng bulaklak nya napapalit palit ng kulay dilaw. Itim.

"The ranking test is between the Akademus Students. Ang lalabanan nila ay ang mga alumni ng Akademus." Natahimik ang mga students. Nabakas ang takot. Kitang kita ko sa aura nila.

"Hindi basta basta ang mga alumni. Lalo na kung ang mga dating guardians ang makakalaban mo." Saad ni Afira. Nanatili akong nakatingin sa may stage.

"Let's start the ranking. We will start to the royalties." Pag anunsyo noon. Naghiyawan ang mga students. Nalimutan na nila ang takot agad agad.

TWISTWhere stories live. Discover now