Deus Pyro

11 3 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Pagmulat ng mga mata ko. Agad akong napatayo nasa gitna ako ng lava. Kumukulo ito.

"Vera." Natingin ako sa nagsalita isang lalaking nakasuot ng pulang damit at may tila apoy na korona. Parang nagbabaga ang kulay ng mga mata nito.

"Sino ka?" tanong ko. Ngumiti ito.

"Ako ang Deus ng apoy. Ako si Pyro. Wag kang yuyukod." kaya hindi ako yumukod.

"Bakit ba kayo nagpapakita saakin?" tanong ko.

"Malalaman mo rin sa sarili mo. Mag iingat ka binibini. Marami kapang lalakbayin." Ani nito at biglang nag apoy ang lahat hanggang may humigit saakin.

Nagising ako ay umaga na. May damit na nakahanda para sa akin. Isang kulay asul na bestida. Lumabas ako. Sa paglabas ko si Afira ang nakita ko. Malungkot ang mukha nito.

"Bakit ka malungkot Afira?" tanong ko.

"Kasi kahit alam kong mananalo ang lioht hindi ko maiwasang malungkot dahil matatagalan pa iyon." Nangunot ang noo ko.

"Matatagalan bakit?" tanong ko. Ngumiti ito ng malungkot.

"Kasi dahil sa kabulagan nila sa katotohanan mawawala ang magliligtas saamin lahat." Bago pa ulit ako magtanong ay umalis na ito. Pumunta ako sa hapag si Lucy ang nadatnan ko.

"Binibini kain ka na po." sabi ng isa sa mga babaeng nagtatrabaho sa palasyo. Umupo ako sa tapat ni Lucy. Ngumisi ito ng makita ko. Nang nilapag ang pagkain ko ay kumain na ako.

"Makakakain kapa kaya sa susumod na mangyayari?" usal nito. Binaba ko ang kurbyertos ko at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Ano man ang plano mo hindi ko hahayaang magtagumpay." Ani ko saka tumayo sa pagkakaupo. Nawalan ako ng gana. Tumungo ako sa hardin ng palasyo. Ang mga bulaklak ay nag aapoy ng ibat ibang kulay. Umupo ako sa damuhan. At malalim na nag isip.

"Lalim naman ng iniisip mo." Napalingon ako bigla. Naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Agad akong napaatras. Napatulala si Hyro. Bakit ba lagi nalang naglalapat ang labi namin paglumilingon sa isa't - isa?. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Lumunok ako.

"Bakit ka andito?" tanong ko. Inayos n'ya ang sarili n'ya at umupo sa tabi ko.

"Hinanap kita. Hindi ka daw kumain." saad nya.

"Nawalan ako ng gana." Ani ko.

"Inaway kaba ni Lucy?" tanong n'ya. Umiling ako dito. At hindi nagsalita. May inabot sya saaking isang mansanas kinuha ko naman ito.

"Salamat." Sabi ko. Ngumiti naman ito.

"Vera." Lumingon naman ako dito.

"Gusto kita." Napatulala ako dito.

"Matagal na." dagdag nya. Parang may kung anong lumilipad sa sikmura ko sa sinabi nya. Umiwas ako ng tingin ng maalala kong Deorc user ako at isang syang lioht user. Pumasok din sa isipan ko na baka ako ang dark seed. Malabo na maging masaya kami.

"Hindi ito ang tamang panahon para pag usapan natin 'to." Saad ko saka tumayo. Papalayo sa taong nagugustuhan ko narin.

Dustin Lyco Allarius

Nakalutang ako sa ibabaw ng bulkan. Unti unting pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang init. Nang maramdaman ko ang gaan ay agad kong minulat ang mata ko.

Sa pag mulat ko nasa gitna ako ng mga lava tanging maliit na bato ang inaapakan ko. Napatingin ako sa harapan ko.

"Lyco."tawag nito. Nakapula itong damit ay tila apoy ang korona.

"Deus Pyro." saad ko. Hindi ito ang una naming pagkikita. Biglang lumitaw ang pakay ko sa kanya ang Fyr Sweord nag aalab ito. Pinalutang nya ito.

"Napag-usapan namin na huwag na kayong pahirapan dahil paubos na ang oras nyo sa paghahanda." Ani nito. Biglang lumiit ang espada. Nangpalapit ito saakin ay nilahad ko ang kamay ko pero imbis na lumapag ito sa kamay ko. Nagliwanag ito ng pula at dumiretso sa tenga ko. Hinawakan ko ang kanang tenga ko nagkaroon ng hikaw.

"Alagaan mo iyan. Huwag mong hahayaan mabulag kayo ng kalaban." Aniya at biglang nagkaroon ng butas ang kinatatayuan ko. Napapikit ako.

Sa pagmulat ko bumalik na ako sa ibabaw ng bulkan. Agad akong nagteleport pabalik ng palasyo. Pagdating ko sa kwarto ko nagulat ako ng andun si Lucy. Mabait si Lucy. Naging close na kami.

"Lucy anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngumiti ito. Kumislap naman sa sinag ng araw ang ginto nyang mata.

"W-wala kasi akong kausap dito." ngumiti naman ako at umupo sa tabi nya. She's alone. And I'm sad for her. So I'm staying with her side.

TWISTWhere stories live. Discover now