"Bakit ngayon ka lang pumasok?" Pagpapalit niya ng usapan.

Awang ang bibig ko siyang tinitigan. Hindi ako makapaniwalang parang wala lang sa kaniya ang aming pinag-uusapan!

"Wala muna akong balak bumalik sa trabaho," saad ko na lang bago tumalikod sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" Ramdam ko ang kaniyang pagsunod.

Suminghot ako dala ng madaliang pag-iyak kanina. "Uuwi." Hindi ko talaga kayang makasama siya ngayon lalo na't bukod sa nangyaring halik ay mukha ni Winona ang naiisip ko sa tuwing nagagawi kay Simon.

Mabilis kong inalis sa pagkakatali si Valir at agad sinakyan bago pinatakbo iyon nang mabilis nang hindi na nilingon ito. Nadaanan ko ang kubo at kitang napatayo ang mga tao roon pero mabilis ko lang silang nilampasan at hindi pinansin kahit pa may nagtawag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

Pagdating sa tapat ng bahay ay iniwanan ko na si Valir kay Mang Dorio na taka akong sinundan ng tingin. Pagpasok sa bahay ay gulat ding napatitig sa akin ang mga kasambahay.

"Oh kaaalis mo lang kanina Senyorita ah?" Kunot-noong sita ni Babet habang may hawak na mga kurtina.

Ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya, "Si Papáng pala?"

"Ah, naroon sa library."

Mabilis akong nagpasalamat at humakbang na pataas sa hagdan. Mabibigat ang yabag kong tumungo sa library at biglang binuksan iyon. Napatingin sa akin si Papáng mula sa pagbabasa sa dokumentong hawak niya.

"Anak? Ba't ang bilis mong umuwi?" Taka niyang bungad.

Marahan naman akong napangiti bago lumapit sa kaniya at umupo sa katapat niyang upuan. Humugot ako nang malalim na hininga bago siya ninakawan ng tingin.

"Uhm... Papáng can I request something?" I made sure that I fluttered my eyes properly.

He removed his reading glasses and gently put his hands together above the table like he was about to negotiate with me. "Of course anak. Ano ba'ng nais mo?"

I mentally swallowed the lump in my throat before avoiding his eyes. "Uh, kung puwede sana Papáng, palitan ko na lang si Simon? Si Rigor na lang po sana." Halos mapigti ang hininga ko sa pagsambit.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at waring hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Bakit? Maayos at maaasahan si Simon kaya't siya ang pinili kong kasa-kasama mo."

I bit my lower lip. "Eh... kasi Papáng—"

"May nangyari ba sa inyong dalawa na hindi ko alam?"

Nanlaki ang mga mata ko at napailing nang paulit-ulit. "Wala Papáng!" pagdedepensa ko.

Mataman niya lang akong tinitigan. Kinalma ko ang sarili at napayuko na lang.

He withdrew a deep breath afterwards. "I'll think about it first."

Napahinga ako nang maluwag bago tumango. Tumayo na ako at nginitian siya na parang walang nangyari. "Thank you Papáng. I'm going now!"

Lutang akong lumabas at dumiretso na lang sa kuwarto para magmuni-muni. Wala na talaga akong balak bumalik sa tinggalan dahil sa nalaman. I did nothing but to stare at my ceiling the whole day. Buti na lang at hindi nila alam na nagmumukmok lang na naman ako sa kuwarto maghapon.

At exactly eight in the morning, I was now ready to go out. Nakaligo na ako't nakabihis para pagkatapos kong kumain ng almusal ay diretso na akong aalis. Wala akong balak magtrabaho ngayon kaya't kagabi pa lang ay nakahanda na ang mga gagamitin ko sa pagtambay sa tabing ilog mamaya.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon