Chapter Twenty-Four

Start from the beginning
                                    

" Mayroong nga Demonyo doon! " Sigaw na sabi ni Dark.

Ang demonyo ay literal na dimenyo sila ang sinaunang mga taga Magic World na isa pa sa problema ng mga mamamayan doon dahil kapag nakakita ka ng isang Demonyo ay wala kang habas na papatayin nito.

Walang tigil hanggat hindi sila nakakapatay. Noon pa man ay ang Demonyo ang pinakang problema lang noon. Pero simula ng gumawa si Prince leo ng sarili nitong tribe ay nagulo na ang lahat.

Malalaman mo kung ang isang nilalang ba ay Demonyo dahil kahit na anyong magicians ito ay pulang pula ang mga mata nito at kapag talaga itoy lumalaban ay lumalabas ang itim na usok sa kanilang mga kamay.

Ang demonyo ay nanggaling sa isang God na noon ay talagang mabait pa itong demonyo , kasama ng ibang mga Gods and Goddess pero nagbago ang lahat ng hindi na makontrol nito ang kapangyarihan nya at tuluyang naipamana ito sa ibang mamamayan dito sa Magic World.

Noong una ay simpleng namumuhay lang ang mga Magicians rin na namanahan ng Demon spirit na iyon pero ng dumating sila sa tamang edad ay doon na nagsimulang lumabas ang Demonyo sa loob nila at napilitan nalang ang mga magulang nila na ipatapon ang mga ito sa lugar sa Magic World kung saan pinangalagaan ng Hari At Reyna  ng Heavenly Kingdom pero marahil nawala na ng mga ito ay tuluyan ng nakawala ang mga Demonyo  at ngayon nga ay nakita na nila itong pakalat kalat sa Enchanted Forest.

" Nasaan si Mia? "

Pasigaw na sabi ni Faye kay Dark ng mapansin nyang hindi naman nya ito kasama dahil ng tumakbo ang mga ito ay hindi na nila napansin ang dalaga ang akala nila ay kasunod nila ito.

" Sh*t! Mia! "

Murang sabi ni Dark at napahinto sa kanyang pagtakbo at agad na nagteleport papunta sa kinalalagyan ni Mia kanina nagagalit si Dark sa sarili nya dahil hindi nya manlang naalala si Mia sa mga oras na iyon at hinayaan nyang mapagisa ito.

Una palang ay ito naman ang unang nakahalata sa mga ito bakit hindi nya nahalata na parang kakaiba ang kinilos ng dalaga.

Sa kabilang banda ay tulala si Mia na nakatingin sa mga Demonyong iyon na nanglilisik ang mga matang nakatingin sa kanya simula ng makita ni Mia ang mga Demonyo ay hindi na sya nakakilos sa kinakatayuan nito at napako na ang mga mata nya doon.

Aksidenteng nagamit ni Mia ang kapangyarihan nya kaya agad nyang pinahinto ang mga kasama nya pero ng humarap na ang mga ito sa kanya kasabay ng pagsigaw ni Dark ng takbo ay hindi na sya makakilos sa kaniyang kinatatayuan.

Parang nabingi ang dalaga at naging tulala hanggang sa nakalapit na ang mga Demonyo sa kanya. Tinititigan lamang sya ng mga ito na parang nakikipag usap sa dalaga pero si Mia ay wala sa sarili at tulala lamang at di alam kung saan napapadpad ang kanya isipan.

Yung eksenang iyon ang nadatnan ni dark kasunod ang mga kaibigan nila pero laking gulat nila ng pagdating mismo nila ay ang syang pagtakbo ng mga Demonyo pabalik sa pinanggalingan nila kanina na ikinataka naman nila pero si Mia ang inaalala nila dahil hindi parin ito kumikilos hanggang ngayon.

" Mia! Mia! "

Sigaw ni Dark sa kanya at niyuyugyog na nya ang dalaga pero wala itong reaction. Pati sila ay nakikisigaw na pero wala parin talaga.

"Dark sa tingin ko ay na hypnotized si Mia ng mga Demonyo!"

Sabi ni Ann na kinakabahan na. Alam nya ang maaring maging epekto kapag ikaw ay na hypnotized ng isang Demonyo maaring patayin nito ang sarili nya.

" Hindi! Hindi pwede to! "

Kinakabahan ng sabi ni Dark at tuluyan ng hindi alam ang gagawin kaya ginabayan na sya ni Charles dahil hindi nila maililigtas si Mia kapag hindi nila ito naagapan.

"Kailangan na nating mag Teleport dark! Kailangan malunasan agad ni Mia! Sa Heavenly Kingdom agad tayo! " Tumango tango naman si Dark at binuhat si Mia na parang bagong kasal.

Masakit sa kanya na nakikitang parang wala ng buhay ang dalaga at nakatingin lang sa kawalan at tuluyan na itong walang control sa katawan kapag tumagal iyon ay kusa na itong gagalaw at gagawin ang mga bagay na suicidal.

Agad na nagteleport ang mga ito sa Heavenly Kingdom at pagdating nila doon ay napakatahimik ng lugar at walang katao tao. Hindi na muna nila inilibot ang paningin sa Palasyo kahit na ngayon lang sila nakapunta at agad na naghanap ng isang kwarto at inihiga doon si Mia.

"Kami na ni Ann ang bahala kay Mia! Alam na namin ang gagawin!"

Sabi ni Faye at pinalabas na ang mga ito sa loob ng kwarto habang si Dark ay nanginginig ang kamay dahil sa nangyari ngayon ngayon lang.

Lumapit naman kay Dark ang tatlo at nagsimula na maiyak ang Lalaki.

" Kasalanan ko to! I left her there! Kinalimutan ko sya! "

Iyak na sabi nito at napasuntok sa pader dahil sa sobrang galit nya sa sarili nito pero pinigilan naman sya ng tatlo.

" Dark tama na! "

Sabi ni Terrain dito pero hindi ito nakikinig hanggang sa Sinuntok sya ni Charles para matauhan ito na kinaupo nya sa sahig.

" Lahat tayo dark nakalimutan sya! Nataranta tayo sa nangyari nakalimutan natin si Mia kaya wag mong sisihin ang sarili mo! " Sabi ni Charles sa kanya na ikinakalma nya pero nagpatuloy lang ito sa pagiyak sa sahig.

------

Lumipas na ang gabi at naging maayos ang ginawang spell ng dalawang dalaga kay Mia at ngayon ay ayos na itong muli pero hindi parin nagigising kaya napagpasyahan nilang magpahinga nalang muna at bukas nalamang simulan ang mission nila kapag nagising na ang dalaga.

Si dark ay tumabi kay Mia at tinitignan nya si Mia na hanggang ngayon ay tulog parin.

" Patawarin mo ako Mia "

Buong pagsisising sabi ni Dark sa kanya at hinalikan ang noo nito at niyakap na ang dalaga upang makatulog narin. Kung may nangyaring masama sa Dalaga ay talagang hindi nya mapapatawad ang sarili nya.

Lumalim ang gabi at tulog na ang lahat dahil narin sa pagod nila ng araw na iyon. Samantalang napabangon agad si dark ng mapansin nyang wala si Mia sa tabi nya. Agad na kinabahan ang binata at lumabas para hanapin ito.

Pero nalibot na nya ang palasyo ay wala parin ang dalaga. Tuluyan na sya kinabahan para sa dalaga. Agad na pumunta si Dark sa mga kwarto ng mga kaibigan nya at ginising ito.

" Nawawala si Mia! "

Kinakabahan na sigaw nya sa mga ito na ikinagising naman nila dahil wala pa sila sa diwa sa agaran pagkagising pero ng marinig nila iyon galing kay Dark ay natauhan sila at nanlaki ang mga mata.

" Ano?! Paano?! "

" Hindi ko alam! Kailangan natin syang mahanap! "

________

( Vote

Comment

And

Share

Be a fan!

Love lots!

~B.NICOLAY/Ms.Ash)

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now