9th Choice- Small Talk.

7.1K 46 3
                                    

KATH’S POV:

“Anak ng kuto. Anong ginagawa mo dito?!”

Kung pwede ko lang sanang isigaw yan sa mukha niya, nagawa ko na. Kaso hindi pwede. Kasi andyan  si Daniel. Tapos sisigawan ko yung napakasama niyang girlfriend ng ganun? Good luck sa’kin. Baka mapalayas pa ‘ko sa sarili kong bahay. Si Carmen malamang ang kakampihan niya kahit ako ang kapatid.

Tinaasan ko lang ng kilay si Carmen nang pumasok ako sa bahay. Si Manang naman, dahil kakampi ko siya, tinatarayan niya rin si Carmen.

“Baby oh, si Kee…” Sinumbong na naman ako ni Carmen kay Daniel. Role play? Pulis si Daniel at ako ang criminal? Hmmm… Pwede din. Ninakaw ko raw kasi ang puso niya. Push ko yan! Komplikado na nga eh nagawa ko pang magbiro ng ganun.

“Oh, I’m sorry. Ang alam ko kasi, kami lang tatlo yung andito. Wait, wow! Oh my God! Kinakausap ko yung hangin!”

Napatawa naman si Manang sa inasal ko kay Carmen. Si Daniel naman, seryoso ang tingin sa’kin. Dumiretso ako sa table at nilapag yung paper bag. Kumuha ako ng mga dalawang piraso ng pandesal at yung buong Dairy Crème. Paakyat na ako ng kwarto nang pigilan ako ni Daniel.

“San mo dadalhin ang Dairy Crème?”

 

“Pakiramdam ko kasi kailangan ko ‘tong ipalaman sa tinapay eh.” Napatingin ako ng diretso sa kanya. “Problema mo? Sorry ah? Di ata sanay ang girlfriend mong ganito ang umagahan niya. Good morning.” Pumasok na ako sa kwarto at sinara ang pinto.

Wala na ‘ko sa mood. At lalong lalo nang wala ako sa mood magshare. Kagagaling niya lang dito kahapon! Tapos, andito na naman siya? Pambihira! Abuso na yun ah?!

Umupo na lang ako sa kama at kinuha ang ballpen at notebook ko. Kumain na din ako. Nagsimula akong magscribble at magsulat ng kung ano ano. Napagisipan kong magsulat na naman ako ng bagong entry.

Dear Kuya,

Gusto mo ng Dairy Crème? Bumili ka! Bwahahaha! Oi, bakit nga pala pabalik balik yang girlfriend mo? Ang sarap niyang batukan! (。_°☆\(- – )  Tss. Nakakapagpasakit siya ng ulo. Oh lupa, lamunin mo na si Carmen! Please lang kung naniniwala kang mahal ko siya! Wag mo na siyang ibalik! God. Nakakastress siya. Daniel, alam mo bang gusto ko siyang sipain palabas ng bahay natin? Ngayon na? /( .□.)\┗┐ヽ(・∀・ )ノ Pwede bang itaboy mo na lang yan? Masaya naman tayo di ba? Kahit tayong dalawa lang?

Sinara ko naman ang notebook at napabugtong hininga na lang. Naisip ko lang bigla si Tita Olive. Ewan ba kung bakit. Parang sumagi lang sa isip ko yung thought na nakilala ko si Tita Olive. May kakaiba sa kanya. Di ko lang matukoy kung ano.

 

Bigla namang nagring ang cellphone ko. Natigil ang pagmuni-muni ko, Kinuha ko naman ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Kaye.

“Hello?”

[Labas tayo ! ]

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now