8th Choice- Olivia.

7.1K 44 5
                                    

KATH'S POV:

 
"Boy you can say anything you wanna. I don't give a shh, no one else can have ya. I want you back, I want you back. Wa-want you, want you back. Uh.~"

Napatingin ako sa relo ko. 6AM. Umagang umaga pero natripan ko kaagad magsoundtrip. Want U Back by Cher Lloyd. Naglalakad ako papunta sa bakeshop sa baba ng street namin para bumili ng tinapay. Natutulog pa si Daniel sa kwarto niya. Kaya ako ang bibili para sa breakfast namin. Dapat nga ako yung tulog na tulog. Ang laki kaya nung kwarto niya! Ang hirap linisin. Tapos pagbalik ko na naman mamaya, magulo na naman. Anak ng kabayo. (¬_¬)

16 hours ago, ako ang dakilang katulong ni Daniel. Hindi ko sinasabi yun dahil sa deal namin, kundi dahil sa suot ko.

 

“Matigas na tutong, Daniel! Ano ‘to?!” Hinawakan ko yung suot ko. Nakasuot ako ng cap, at isang dress na itim na pinatungan na parang puting apron na ewan. Mukha na talaga akong yaya! Masisipa kita Daniel!ヽ(#゚Д゚)ノ┌┛Σ(ノ´Д')ノ

 

“Uniform mo.”

 

“Uniform?! Nagbibiro ka ba?!”

 

“Teka! Papicture muna tayo kay Manang!”

 

Inabot naman agad ni Daniel yung camera kay Manang para picture-an kami. Ngumiti na rin naman ako kahit pilit. Ayokong magmukhang pangit. Masyado na ‘kong madaming problema. ( •̀ω•́ )

 

“Okay. Ang sagot sa tanong mo kanina, hindi.” May binigay siyang listahan sa’kin. “Yan ang gagawin mo. Dahil hapon na, yung nasa baba na lang ang gagawin mo.”

 

Binasa ko naman yung nakasulat.

 

“Paghahandaan mo ako ng merienda, ipagluluto ako ng hapunan, maghuhugas ka ng pinggan at ipagiinit mo ako ng tubig na panglinis ng katawan ko.” Inayos niya yung tie niya. Pinagpagan niya naman yung suot ko.  “Ayan. Official na. Katulong kita at ako ang master mo.”

 

“Master ka dyan?!” Sinubukan kong tanggalin yung damit ko. “Ayoko na!”

 

“Kath! Kath!” Pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kanya. “Wag. Mahal yan.”

 

“Anak ng kuto!”

“Good morning Hija.”

Napatigil naman ako sa paglalakad. Sumobra na pala ako. Yan kasi. Kakaisip sa isang tambak ng trabahong gagawin ko pagbalik. Bakit ang galing ni Daniel magkalat?! (」゜ロ゜)」

“Good morning ho Manang Che.” Bati ko naman sa kanya pagpunta ko dun sa counter. Open kasi ‘to. “Isang paper bag daw ho ng pandesal.” Inabot ko yung bayad ko.

“Sige hija. Kuha lang ako sa loob.”

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now