DK- 47

1.5K 36 15
                                    

KATH’S POV:

Wag ka nang babalik dito.

Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang totoo at nang ipagtabuyan ako ni Daniel. Yung text ngayon, hindi ko alam kung paano ko ihahandle. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako magpapadaig sa kanya. Kaya uuwi ako. Ngayon na.

“Are you sure Kathryn? You’re going home?” Nagpout naman sa’kin si Kathlyn. “You just got here.”

 

“Kailangan ko nang umuwi Kathlyn. Sorry talaga.”

Nagsigh naman siya at niyakap ako.

“Okay. But please take care. I can’t bear to lose you again.”

Kahit parang pugita ‘tong kakambal ko dahil sa kahihila at kakaladkad niya, mamimiss ko din naman ‘to. Sa totoo lang, sumaya naman ang araw kahit galit sa’kin si Daniel. Kasi andyan ang pamilya ko. Lalong lalo na ‘tong babaeng ‘to.

Pinagpatuloy ko naman ang pag-iimpake. May plane ticket na ako pabalik ng Pinas. Binook na ako ng flight ni Kathlyn kahapon. Mamayang 11 AM ang flight ko. 9:30 pa lang naman pero kailangang handa na. Malayo layo din ang biyahe.

Uuwi na ako ng Pinas. Si Kathlyn naman, balik sa dati niyang buhay. Yung parents ko, yung totoong parents ko, balik din sa dati nilang buhay. Trabaho. Tapos sina Mommy Mikay at Daddy Gino, mananatili dito para mag-ayos ng ilang mga business accounts. Si Daniel? Ewan ko. Hindi naman siya nagkwekwento. Magtetext siya minsan. Pero ang nakalagay lang ‘Wag kang babalik dito.’ O kaya naman, ‘Ayaw na kitang makita.’ Kung tutuusin, masakit yung sinabi niya. Pero iniiwasan kong maiyak o malungkot dahil ginusto ko din namang makasama yung pamilya ko. Naging naïve din naman kasi siya. Totoong pamilya ko na ‘to. 16 years ko silang hindi nakasama. Masama ba na sa piling naman nila dumaan yung kalahati ng buhay ko?

 

“One of the things that I will miss is yung pagiging tulala mo. And I will say ‘Your thoughts are so deep that I can see Adele rolling in.’ I’ll miss you Kathryn.” Niyakap niya ulit ako.

 

“Samahan mo na nga lang ako sa airport nang hindi ka na mag-inarte ng ganyan.” Patawang sabi ko sa kanya.

“Sureness! Mathilde! Get Kathryn’s bags and stuff and bring it to the limousine.”

Aayaw na sana ako nang biglang hinigit na agad ni Mathilde yung mga gamit ko. Nagtatakbo naman siya papunta dun sa front yard. Para siguro takasan ako?

 

“Kath, don’t forget to keep yourself neat and clean. Dress to impress. Draw that killer smile on your lips darling!”

 

“Di mo na kailangang sumigaw Kath. Alam ko naman yun eh.”

 

“Good. That’s a life lesson Kathryn.”

 

“I’ll remember Kathlyn.”

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now