7th Choice- Revenge is Sweet.

7.4K 55 1
                                    

KATH'S POV:

Oppa Gangnam Style
Gangnam Style
Op op op op oppa Gangnam Style
Gangnam Style
Op op op op oppa Gangnam Style

"Kath, ano ba? Di ka ba marunong sumayaw ng Gangnam Style?!"

Heto ako-oh-woah, sa tabi ng kalsada~! Daniel naman kasi! Kung ano ano ang naiisip na parusa. Sarap sapakin. Mukha tuloy akong street performer dito. (__ __")

"Hulugan niyo yung babae! Sayang effort!"

"Miss! Mali ung steps mo!"

“Ehhh! Sexy lady!~”

 

“Oi! Ikaw!” Tinuro niya yung lalaki. “Tigilan mo yung kapatid ko! Tsitsinelasin kita!”

Nakakatuwa naman siya- Teka. Anong iniisip mo Kath?! Erase, erase. Wag kang matuwa! Pinaparusahan ka na nga eh! Hate mo siya ngayon. Hate! ( •̀ω•́ )

"Daniel! Maawa ka na! Tigilan mo na ‘tong kalokahan mo! Ako na lang ang maglalaba ng damit mo, maglilinis ng kwarto mo. Sige na Daniel! Tigilan na natin 'to!" Tumigil naman ako sa pagsayaw at hinarap ko siya.

 

"Sinabi ko bang tumigil ka na? At pano kung ayoko?" Uminom naman siya ng juice. Napakapit na lang ako sa noo ko. Kumuha naman siya ng hanger at pinalo ako. “Balik sa pagsayaw! Balik!” Pinalo niya ulit ako. Kaya bumalik ako sa pagsasayaw.

 

"Daniel naman eh!"

 

"Pintuan ko yung sinira mo. Take note, pintuan ko! At sa tingin mo ba mababayaran mo agad yun sa paggawa ng mga house chores para sa'kin? Asa ka." Inirapan niya naman ako.

 

"DJ!"

Tumingin ako dun sa tumawag ng pangalan ni Daniel. Si Nicole. Bestfriend ni Daniel na kapitbahay rin namin. Hindi ko siya kaaway. Mabait yan. Friends kami. ヽ(*^ー^)人(^ー^*)ノ

"Hello Kee. Anong ginagawa mo?" Tinanong niya ako habang tumitingin sa’kin simula ulo hanggang paa.

 

"Parusa sa'kin." Ngumuso naman ako kay Daniel.

 

"DJ naman!” Hinampas naman ni Nicole si Daniel. “Anong pinapagawa mo kay Kee?!" 

"Parusa. Sinira niya ang pinto ng kwarto ko, Nicole!"

 

"Yun lang ba? Ibibili kita ng isang truck na puno ng pinto kung gusto mo!"

Pinatay niya yung player at pinagsabihan si Daniel. Life saver talaga 'tong si Nicole. Phew. Ligtas na ‘ko. Nagtiptoe ako papasok ng bahay.

"Kath. Di pa tayo tapos!"

Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Pag umalis na si Nicole, parusa na talaga. Dapat handa na akong manuntok! (ง •̀_•́)ง

DANIEL'S POV:

"Ano ba yang pinaggagagawa mo kay Kee? Babae siya DJ. Babae."

 


Sermon na naman galing kay Nicole. Tss, tss. Nanay ko ba 'to?

 

"Di ako bulag Nicole. Alam kong babae siya. Alam kong kapatid siya kaya nagkakaganun siya. Ganun din naman ako sa kanya eh."

"Ewan ko sa inyong magkapatid. Pero ikaw, DJ, napakasarap mong batukan. Pasalamat kang bestfriend kita. Kundi, na-ilublob ko na ang mukha mo sa isang drum ng tubig."

 

"Ano yun? Gagawin mo akong sirena? Drum na may tubig ang sinisisid~. Ganun lang?"

"Grabe! Tumigil ka nga dyan! Oi, uwi na ako ha? At... Wag mo nang patripan si Kee. Kawawa ung kapatid mo oh. Magkaroon ka man lang kahit katiting na awa sa kanya."

 

"Oo na. Tsupi!" Tinaboy ko naman siya.

Pinakita niya sa’kin yung kamao niya. Best friend ko yan. Walang halong malisya. Sadyang ganun lang talaga kami ni Nicole. Di na nga lang kami masyadong nagkakasama ngayon since nagtransfer na siya sa ibang school. Pero dito pa rin siya nakatira.

Ngayong nakaalis na siya, si Kath naman. Humanda ka na!

KATH'S POV:

"Lord, itago niyo po ako kay Daniel. Please. Kahit yun lang po. Di ko po maipapangako na titigilan ko na siyang mahalin. Hayaan niyo na po ako Lord, please..."

"Huli ka!"

Tumakbo naman agad ako palayo sa ilalim ng table. Inapakan ko yung paa niya. Napatalon naman siya sa ginawa ko. Naghahabulan na kami sa kitchen. Hinaharangan niya pa yung ilang lugar na pwede kong daanan pero nakakalusot pa rin ako. Takbo dito, takbo doon. Hanggang sa nacorner na nga ako ng Daniel. Kinulong niya naman ako sa mga braso niya. 

"Naintindihan mo ba?"

Napailing naman ako. Ano daw yun?

"H-Ha? Ah, eh..."

"Sabi ko, sige, wag na kitang parurusahan. Pero, lilinisin mo ang kwarto ko at ikaw ang mag aayos ng pinto ko. Deal?"

"Gagawin mo ba akong karpintero?! Ha?!"

"Oo. At, yaya." Nagsmirk siya sa’kin.

"Kuya!" Sumigaw naman ako at tinabunan niya ang bibig ko.

"Sabing Daniel eh! Daniel! Wag mo akong tatawaging Kuya di ba?"

 

Tinanggal ko ang kamay niya. At inayos ang damit ko. Lumakad ako pataas ng hagdan at bumelat sa kanya. Grabe ah. Karpintero at yaya? Kapal! Pasalamat nga lang siya. Palibhasa, mahal ko eh. Kaya gagawin ang lahat kahit para sa ibang tao. Tss.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now