DK- 40

2.6K 49 10
                                    

KATH’S POV:

Saturday ngayon. And guess what? Papunta kami sa isla. As in, isla. Property ng family nina Julia. Magpaparty daw kasi ok na sila. Ayos di ba? Pagkagaling sa ospital, diretso sa isla para magparty. =_=

“Guys! Bawal KJ! Sasakay tayo sa bangka!” sigaw ni Julia habang hinahagis yung mga gamit ko. Dito ang meeting place sa bahay. Kaya lagas ang laman ng aming refrigerator. (__ __”)

“Ano?!” sigaw naming lahat. Seryoso?! Hindi pa ‘ko nakakasakay ng bangka!

“Oo! Bawal KJ! Cool kaya. Basta yakapin niyo lang yang mga gamit niyo para hindi sila mabasa o malaglag sa dagat!”

 

“Akala ko ba sasakay tayo ng van?!” sigaw ni Mia na umiinom ng Coke.

 

“Pwede bang gamitin yung van sa pagtawid ng dagat? Nako! Wag nga kayo maarte! It’ll be fun!”

 

“Fun sa’yo kasi sanay ka na! Hindi mo ba naiisip yung danger na pwedeng mangyari sa’min pag nalaglag kami?!” sabi ni Gem na may padabog effects.

 

“Nevermind! Pag nalaglag naman kayo sa tubig, babalik na ang mga buntot ninyo at magiging sirena ulit!”

 

“Walang hiya ka Dugong!” hinampas siya ni Kaye Ann.

“Alulululo~”

 

“Ito ang dapat sa’yo!” kinurot ni Judiza ang sarili niya. “Aray!”

 

“Aray! Baliw ka ba Marina?! Kung anong mangyari sa’yo, nangyayari din sa’kin! Nasa akin din ang kwintas mo!”

Dinambahan naman nina Micole, Ciarah at Trisha si Julia.

“Marina! Tumakas ka na!” sigaw nilang tatlo.

“Sino kayo?!”

 

“Ako si Dyesebel!” turo ni Micole sa sarili niya. “Siya si Mutya at ito si Aryana!” tinuro niya si Trisha at Ciarah.

“Teka! Bakit ako si Mutya?!”

Binatukan ko silang lahat.

 

“Lalakad pa ba tayo o hindi na?!”

 

“Lalakad pa! Sino ba naman kasi ang nagsabi na isama si Daniel?!” sigaw ni Black na nakaupo sa sofa.

“Hindi ko siya sinama ah?! Siya ang nagpumilit sumama!”

 

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now