DK- 25

6.2K 43 6
                                    

KATH'S POV:

[May sakit si Harry eh. Di ako kakasama sa pasyal natin tomorrow. Sorry Ki.]

"That's okay. Di na rin naman tuloy bukas eh. Dito lang daw ako sa bahay sabi ni Daniel. Huhuhu. Gusto ko nang lumayas. Ang unfair niya..."

[Aww. Drama much 'te? Oh sige na. Babush na. Wawa naman si Harry my loves ko, inuubo na eh. Call you later ha?]

"Oh sige. Oi, pakainin mo ng sopas. Yung hindi sobrang init ha? Masunog dila nyan." natawa naman ako sa sinabi ko.

[Ki naman ! Sabi nang napalakas yung apoy nun eh ! ]

"Tapos nasunog mo yung dila naming lahat? Hahaha. Okay. Naalala ko lang. Bye."

[Makalait oh. Ikaw kaya magtantsa nung apoy?! Hirap hirap eh. Nako. Ewan ko sa'yo. Bye na nga ! ]

*CALL ENDED*

Hahaha. Ano ba yan. Naalala ko na naman yung sopas na niluto ni Kaye para sa'mi dati. Ang fail talaga nun. Masyadong napalakas yung apoy. Eh di ayun, napaso yung dila namin. Ba't di namin pinalamig yung sopas? Try niyo kumain ng malamig na sopas. Yeah sure, may lasa pa. Pero masarap ba? Di naman di ba? Hahaha XD

"Kath ! Halika nga dito ! "

Oh, look. Tinatawag na naman ako ni Kuya Daniel. Eh nako. Ewan ko sa kanya. Di niya ako personal slave kaya wag niya akong utos-utusan. Natalo lang ako dun sa coin toss kahapon eh. Ano na ang personal slave? =_=

"Kathryn Isabelle ! Asan na yung juice ko?! Dapat hindi yan matabang, hindi rin matamis, yung tama lang ha?! Pati yung cookies ko, I bet masarap yan kasi ikaw ang nagbake nyan ! Dapat wala yang lason ha?! Patay ka sa'kin ! "

"Eh di sana, kung may lason 'to, di na ako patay sa'yo ! Dahil patay ka na ! " nagpout na lang ako.

"Oi, Isabelle ! Kaya pa rin kitang patayin nun ! Mumultuhin kita kaya matatakot ka, then mamamatay ka ! Magsasama ulit tayo ! Bwahahaha ! "

 

Ha. Ha. Ha. Nakakatawa siya. And duh, di ako takot sa multo =_=

 

"Oi, Katrina ! Ano ba? Kanina pa ako naghihintay dito ! "

 

"Oo na ! "

Kinuha ko na yung tray at sinalansan doon ang pagkain niya. Juice, cookies, aba, nilagyan ko pa ng flower vase. Pag di niya pa naappreciate yan, ihahampas ko na 'to sa mukha niya =_=

Lumakad naman agad ako sa sala kung nasaan si Kuya Daniel. Nanonood ng TV ang loko habang nakataas ang paa sa maliit na table sa harap ng sofa.

"Baba."

 

"Ano?"

 

Ngumuso ako sa paa niya.

 

"Hahalikan mo yung paa ko? Oh sure Kath ! " tinaas niya naman yung paa niya sa may labi ko. Iniwas ko naman.

 

"Daniel ano ba?!" nilapag ko na agad yung pagkain niya sa la mesita.

"Whoa ! Chill ! "

Hinila niya naman ako agad at sinandal sa pader. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa may ulo ko. Mahigpit ang pagkahawak niya. Lumapit siya sa'kin ang tiningnan ako.

"You smell like cookies..."

"Daniel ano ba?!"

"Ba't ba ang bango mo Kath?"

 

"Oi, kailan pa ba ako naging mabaho?! Ha?!"

Patuloy niya pa rin akong inaamoy. Anong trip nito?

"Pati kili-kili mo ang bango."

Pahiram nga guys ng walis tambo. May hahampasin lang ako (__ __")

Umiwas naman ako. Nako, Padilla, pag bumalik ka sa katinuan mo, ililibing na kita ng buhay ! Pero wag kang mag alala. Bibisitahin naman kita everyday. Dadalhan pa kita ng flowers at kandila. Kaw pa. Love kita eh. Bwahahaha ! XD

"Kath, wag ka ngang umiwas."

 

"Eh anong gusto mo? Hayaan na lang kitang amuyin ako? No way Daniel ! "

 

Bumitaw na siya. At bumalik sa sofa.

"Nako. Ewan ko sa'yo. Ang KJ mo."

 

"Oi, ano ba? Hindi biro yung ginagawa mo ! "

 

Pumikit siya. Umayos na ako ng upo. Pero nakapikit pa rin siya.

"Daniel?" I poked his forehead.

At bigla naman siyang tumumba !

"DANIEL?!"

 Tinapik tapik ko yung mukha niya.

"Ui?"

Bumangon naman siya.

"Kath, ano ba? Natutulog ako ! "

Sabay higa ulit. Aba. Sira ulo na ata 'tong kapatid ko at nagkakaganito? (__ __")

Kinuha ko na lang yung pagkain niya at nilipat ulit sa kusina. Ako na lang ang kakain nito. Tae. Papikit-pikit pa ako kasi akala ko tuloy na. Tapos hindi pa pala? Nako -.-

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now