DK- 26

6K 36 3
                                    

KATH'S POV:

 

"Kath, taas mo pa yan. Dyan. Hindi dyan. Dito, dito. Dito mo na pala ilagay. Teka? Ba't ang pangit? Dun na lang pala. Oi, Ciarah ! Wag niyo namang ilayo masyado yung table. Pangit tingnan. Trisha, ayusin mo yung mga bato dyan ha? Dapat maganda. Micole, yung lanterns? Umiilaw ba talaga yan pag sinindihan?-"

 

"Oo DJ ! Gusto mo bang ilagay ko pa 'tong mga lantern sa ulo mo?! Ha?!"

 

Tumayo naman siya sa pag aayos at lumakad papunta sa cottage namin. Napailing na lang ako at tumayo na rin.

"Puntahan ko lang si Mic."

 

Nakita ko naman siyang nakaupo at umiinom ng tubig.

"Micole?"

 

Umupo ako sa tabi niya.

"Hanggang kailan mo 'to gagawin Ki?"

 

"Gagawin ang alin?"

"Di mo kayang magsinungaling sa'kin. I know you. Nasasaktan ka na. I can see it in your eyes." napatingin siya sa'kin. "Masaya tayong nagsleep over sa inyo. Tapos kinaumagahan, may kumatok sa pinto mo. Si DJ." napatungo naman ako. "He asked us to help him make a surprise for Carmen. Kathryn aayaw ka na. Aayaw ka na sana. Pero hindi." tinaas niya ang ulo ko. "Hanggang kailan mo kaya?"

Wala akong masagot sa kanya.

"Hanggang kailan ka lalaban para sa isang bagay na hindi ka sigurado na tamang ipaglaban?"

I looked at her.

 

"Sabi ni Papa Jack di ba? Huwag mo nang hintayin na dumating ang araw na wala ka nang kayang ibigay, to the point na pati sa sarili mo, wala nang natira."

Napayuko ulit ako.

"I'm so sorry Ki. Pero hindi ko na kayang makita kang nasasaktan."

 

Umalis na siya. Pumutak naman agad ang mga luha ko.

Hanggang kalian ako lalaban? Hindi ko alam.

Hanggang kailan ka lalaban para sa isang bagay na hindi ka sigurado na tamang ipaglaban?

DJ is worth fighting for. I know that. Pero ang nararamdaman ko sa kanya? Dapat ba?

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now