DK- 16

6.5K 36 0
                                    

KATH’S POV:

 

“Yes Miss Padilla?”

 

“The answer would be the square root of 324. Therefore, it is 18.”

 

“Correct Miss Padilla. Please take your seat. Now, what if…”

Nagpatuloy lang si Kuya Yuan sa paglelecture. Yup. Math teacher siya. I mean, substitute. May kumulbit naman bigla sa likod ko.

“Pssttt. Pano mo nakuha yung sagot?” –Julia

“Gamitin mo lang yung formula na andun sa board. Yung formula number 3 para makuha mo yung sagot.”

 

“Ah. Sige, sige. Thanks. Ui ah. Ang laki na ng inimprove mo.” Napatawa naman ako sa sinabi ni Julia. Pero pansin ko nga yun. Gumaling na lang bigla ako sa Math. Ewan ba kung anong nakain ko.

“Ako pa. Hahaha.”

May tumayo namang bruha sa may unahan ko.

“Sir, may I excuse myself?”

“Reason Miss Manalo?”

 

“I need to pee.”

“Okay. You are excused. But please return once you’re finished.”

Tumayo naman si Carmen at lumabas ng room. Psh. Iihi. Kay Daniel na naman yun pupunta. Bibigay naman si Daniel. Ai nako. Sakit sa ulo ang mga taong ganyan.

“Okay. Class dismissed.”

Okay. Nag excuse si Carmen para di siya matawag. Tss.

 

“Ki, sama ka na sa’min? Lunch tayo.” –Mia

“Ah sige, sige. Punta lang akong CR. Sunod na lang ako sa inyo.”

Pumunta naman ako sa CR para magpalit. Pero paghawak ko ng doorknob, ayaw bumukas. Hala. Sinong asa loob? Pwede namang yung cubicle na lang niya ang i-lock. Bakit kailangan yung buong CR pa?

“Hello? May tao ba dyan sa loob? Pakibukas naman po ng pinto.”

Katok pa rin ako ng katok. Nalock ba ‘to sa loob? Hay… Lumakad na lang ako palayo ng CR. At pumunta sa canteen.

“Girl ok ka lang?” –Ciarah

“Hindi eh. Magpapalit sana ako. Pati, naiihi na ako. Pero, lock yung CR eh.”

“Ha? Panong nalock?” –Judiza

“Ewan. Eh sa loob ata siya ni-lock eh.”

 

“Tara nga. Baka bukas na yun ngayon.” –Trisha

Ano ba yan. Kagagaling ko lang nag dun eh. Babalik na naman? Hay… Hayaan na nga. Malay natin.

“Oh ayan Ki. Bukas na.”

Yup. Tama nga siya. Bukas na. Siguro binuksan ‘to ni Manong Janitor kanina habang papunta ako sa canteen. Pumasok na kami ni Trisha.

--------------------

“My offer still stands Ki.”

 

“Nakakahiya naman kasi sa inyo. 5 star hotel yung inyo tapos ipapareserve mo para sa amin.”

“Eh pwede mo namang isama sina DJ. Gusto ko siyang makaclose.”

Kausap ko ngayon si Kuya Yuan. Pinipilit na dun na lang daw sa 5 star hotel nila. Tapos sabi niya, sagot niya na daw lahat ng gastos. Kahit ilan pa daw ang isama ko. Yun nga lang, nakakahiya. Gosh >//<

“Si DJ? Bahala na siya.”

DJ ang pagkakakilala niya kay Daniel. Kaya hindi niya alam yung kapatid ko, ang taong minamahal ko.

“Sige Yuan. I mean, Kuya Yuan. Dito na muna ako. May bibilhin pa kasi ako eh.”

 

“Sige. Ingat pauwi.”

 

“Ikaw din Kuya.”

Pumasok naman ako agad sa National Book Store. Kailangan ko ng materials para sa poster making contest. Ano ba ang magandang gamitin na coloring materials? Color pencils, oil pastels or poster paint? Hm.

Pumunta naman ako sa mga coloring materials section. Which one? Hm. Napatingin naman ako sa lalaking nasa kabilang lane. Napatingin din naman siya sa akin. Ngumiti na lang ako.

“Babe, nakabili ka na?”

That voice. I know that voice. Napatingin ulit ako. Pero wala na sila. That was Carmen’s voice. I can’t forget that voice. That voice na ginagamit ng impaktang inaagaw si Daniel sa’kin.

Hinahanap ko na lang ulit yung lalaki. Asan na kaya sila nung babae na I believe na si Carmen? Hm.

“Babe?”

Napalinga ulit ako.  I’m sure that’s Carmen.

--------------------

Nalibot ko na ata ang buong National Book Store. Hay… Ang pagod. Pero sigurado talaga ako na si Carmen yun. That’s her voice. Hindi ako pwedeng magkamali.

“Sige babe. Dito na ako.”

 

There it is again. Asan ba sila?! Tumingin ako sa may corner ng store. And there she is. Si Carmen nga. Pero sino yung lalaki? Is Carmen cheating on Daniel? I promise, di ko siya mapapatawad pag nasaktan si Daniel dahil sa kanya.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now