INTRODUCTION

54 2 0
                                    

A/N: ang mga bawat pangalan ng lugar na na babanggitin sa isturyang ito ay pawang kathang isip lamang o pawang laman lamang ng aking malawak na emahinasyon- in other words gawa-gawa lamang, kung sakaling may pagkakatulad man sa realidad ay hindi ko po sinasadiya, iyan lamang po. Salamat.

Warning: If you read this whole story. May mapapansin po kayong mga typo graphical error and grammatical error sa story. Simula pa lang po ay humihingi na ako ng despinsa sa inyo, hindi po ako fluent o master sa wikang ingles at mas lalong hindi po ako dalubhasa sa pagsusulat ng isturya kaya kung hindi niyo po lubos maunawan ang narration, ngayon pa lamang ay humihingi na ako ng pasensiya hindi po kasi ako masyadong marunong magpaliwanag. Kaya sorry in advance at sana po ay kayo na ang bahalang umintindi. Hehe.. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyong malawak na pangunawa, enjoy reading guyz..🙂😇


Read at your own risk.

HIS POV:

Some people said, kapag nagmahal  ka 'daw' ng isang tao. Una sa lahat ay hindi ka 'daw' dapat bumabasi sa physical appearance niya, tanggapin mo kung ano siya. Nagmahal ka e, so panindigan mo.

Ang pinakamahalaga ay 'yong babaeng alam kung paano ka niya pakikitunguhan at kung hanggang saan niya kayang e-handle ang ugaling at flows meron ka- iyong tipo na babae na marunong makitungo at makisama sa pamilya mo- 'yon bang alam kung paano igalang ang parent's mo nandiyan ka man o wala. At higit sa lahat ang dapat na mas pinagbabasihan mo 'daw' ay ang kagandahan ng kalooban ng taong iyon sapagkat iyon lang ang mas pinakamahalaga sa lahat. Period.

They also said, hindi ka 'daw' dapat bumabasi sa kung anoman ang status niya sa buhay. Tanggapin mo kung sino at kung ano ang katayuan niya sa buhay, hindi naman kasi importante iyon basta ang mahalaga ay mahal karin niyang tunay at hindi ka niya ginagamit lang para sa pangsariling kapakanan. Kasi una sa lahat ikaw naman ang nanligaw sa kaniya, kaya you have no right to question what life she has at kung anong klase nang buhay ang kinalakhan niya. Embrace her kahit ano pa siya.

Iwasan ko rin daw iyong tipo ng babae na puro lang paganda at pa sexy ang alam, kasi ekis daw ang ganoong klase ng babae. Ang dapat ko daw hanapin ay iyong babae na hindi man kagandahan ang importante ay maaasahan at 'yong may alam sa buhay.

BUT, for me, that's not important I can give her life what she deserve. Hindi porket sinabi ko iyan ay ang ibig sabihin no'n uma-agree na ako sa sinasabi ng ibang tao, mas mahalaga pa rin sa akin ang perspective ko sa buhay. Kasi ang mas importante sa akin ay ang panglabas na kaanyoan kaysa pang loob. Fist of all, I don't care if she's an evil of all evil. I don't care if she has a bad attitude, as long as she purely loves me I can accept her. All of her bad side. Hindi naman kasi ang ugali ang mamahalin mo sa isang tao, kundi ang lahat lahat sa kaniya. And that's the point.

Aanhin ko naman kasi ang kagandahan ng kalooban kung ligwat naman sa panglabas na kaanyoan? Useless lang din.

Mas importante sa akin ang maganda at sexy, 'yung tipong pwende kung ipagmalaki sa lahat. Syempre gwapo ako kaya dapat lang na maganda din ang pipiliin ko.

Gusto ko ay iyong may class at ka level ko. Mayaman ako kaya dapat lang na mayaman din ang kapareha ko. Ayoko iyong tipong alanganin. Inshort, mahirap.

I also hate simple, because for me simple is boring. Huwag ka na umangal dahil iyan ang totoo.

Dapat may sense of humor, para naman mapasaya niya ako kapag malungkot ako at para din hindi ko siya iwan. Hmp.

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now