-----

Lumipas ang isang araw at nasa tabi lang ako ni Charles pinipilit ko na bumalik ang nararamdaman ko sa kanya pero parang lalo lang lumalala. Si Dark naman hindi pa din ako kinakausap kaya feeling ko galit sya saakin dahil sa nasabi ko sa kanya.

Nung gabi naman doon parin naman sya natulog sa tabi ko pero uminom ako ng Sleeping pills at niyakap nalang ang unan nya para makatulog ako agad. Maaga akong natulog kaya hindi ko alam kung tumabi parin ba talaga sya saakin kasi pag gising ko wala naman sya don. Pero ramdam ko na natulog sya sa tabi ko. Kapag mag isa nalang ako hindi ko talaga mapigilan umiyak hindi ko alam ang gagawin ko.

" Hey Mia ayos ka lang ba? " Napakurap naman ako ng magsalita si Charles andito pala kami sa Cafeteria. Napatulala nanaman ako. Napatingin ako sa mga kasama namin at dumapo ang tingin ko kay dark pero agad ko rin yung iniwas at tumingin kay Charles , ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang ako" sabi ko pa sa kanya. "Sigurado ka ba Mia? Kahapon kapa ganyan ah?" Sabi naman ni Ann saakin kaya ngumiti nalang din ako sa kanya at tumango. "Wag kayong mag ala la ayos lang ako. Wala akong ganang kumain. Pupunta muna ako sa Garden" sabi ko sa kanila at hindi ko na sila inintay pa na magsalita at sa isang iglap lang ay asa garden na ako. Ginamit ko ang Speed ko.

Napabuntong hininga ako at naupo sa bench. Napapikit nalang ako at dinama ang simoy ng hangin. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko. Bukas na ang Endless Battle pero wala ako sa sarili ko. Diko alam kung makakalaban ba ako ng maayos ng ganito kabigat ang nararamdaman ko.

Sa isang araw na yun ay si Charles ang kasama ko. Masaya ako pag kasama sya pero hindi ganon ka saya talaga at sa tuwing tititigan ko sya pagmamahal bilang kaibigan talaga ang nakikita ko sa kanya. Pinilit kong maramdaman ang nararamdaman ko katulad kay Dark pero wala. Kahit anong pilit ko wala.

" Mia " napatingin ako ng may magsalita at si Charles pala iyon. "Mia alam ko ang iniisip mo ngayon" napatingin ako sa kanya ng umupo sya sa tabi ko. "Alam kong naguguluhan ka sa nararamdaman mo. " Sabi nya saakin na ikinagulat ko. "C-charles" utal kong tawag sa kanya pero ngumiti ito saakin tapos tumingin sa kawalan. "Wag mong pigilan ang puso mo Mia. Sundin mo kung sino ang laman nyan" hindi ko napigilan na mapaiyak dahil sa sinabi nya. "Charles ano bang sinasabi mo" sabi ko sakanya kitang kita ko ang emosyon sa mata nya. Tumingin sya saakin at tinitigan ako doon.

"Wag mong pigilan na mahalin si Dark" hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sinasabi nya. Umiling ako sa kanya. Alam kong masakit sa kanya ang sinasabi nya. "C-charles hindi... Nangako ako s-sayo-" pero pinutol nya ang sasabihin ko. "Alam ko Mia... Alam ko... Pero ayokong nakikita kang ganyan" sabi nya saakin at hinawakan ang muka ko at pinatingin sa mata nya. "Mia hayaan mong sumaya ka , Gusto kong palagi kang nakikitang masaya hindi yang tulala ka palagi. Oo kasama kita pero nasa malayo ang isip mo" napapikit naman ako sa sinabi nya saakin. "Sorry charles, sorry" paulit ulit kong sabi sa kanya na ikinailing naman nya.

"Wala kang dapat ika hingi ng tawad Mia. Balang araw maiintindihan mo rin. Wag mong pigilan ang puso mo. Kung iniisip mo na nangako ka saakin pwes kalimutan mo na yun at pinapakawalan na kita" iyak ako ng iyak ng niyakap nya ako pagtapos nyang sabihin iyon at maya maya ay humiwalay na sya sa yakap at ngumiti sya saakin. Lalo lang akong napahagulgol. "I want you to be happy" huling sabi nya at tumayo na at iniwan ako. Napatakip ako ng bibig dahil nakita ko ang likod nya na papalayo na.

" Patawarin mo ako Charles "

Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak ng umiyak. Nasaktan ko sya. Ang taong anjan simula ng makaalala ako ay nasaktan ko. He's been so caring to me , kitang kita ko ang saya sa mata nya kapag magkasama kami pero ngayon pinalitan ko iyon ng lungkot. Kasalanan ko. "I'm so sorry charles" paulit ulit kong sabi sa sarili ko.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now