Naputol ang pag iisip ko ng mag salita yung may asul na mata

"Dark" yun lang ang sinabi nya pero halos malunod na ako sa mga tingin nya kaya muli akong napahawak sa ulo ko kasi sumasakit nanaman. Bakit pag nakikita ko ang asul na mata nyang kakulay ng dagat sumasakit ang ulo ko?

Naramdaman kong may kumapit saakin.

"Are you okay Mia?" Pagtingin ko eh si Terrain pala ang umalalay saakin. Tinanguan ko lang sya at umayos na ng tayo.

"Guys dito na kami mag aaral ni Mia! So sabi ni headmistress tayo nalang daw ang mag tour sa kanya" sabi ni Charles na ikinatili nung dalawang babae at humawak sa braso ko mag kabila.

"Omg! Magiging masaya to Mia!" Sabay na sabi nila at hinila na ako pero parang bakit torture to? Joke.

Pag labas namin ng dorm eh wala ng estudyante mukang may klase na. Nag simula na silang ilibot ako at dahil nga matandain nga ako eh naalala ko naman lahat.

Mag gagabi na ng matapos kami at ngayon ah papunta na kami ng Cafeteria dahil doon nalang daw kami kakain. Kakaiba kasi dito. Mayroong mini mall dito para daw sa mga Estudyante tapos may cafeteria daw para sa mga ayaw mag luto sa dorm nila.

"C-cr lang ako guys" sabi ko sa kanila at iniwan na sila doon. Hindi ko na sila pinasagot pa. Habang nag lalakad ako eh marami silang nasasabi saakin pero hindi ko nalang pinansin meron din kasing mga nega.

Ng matapos ako mag cr eh paglabas ko ay may nakabangga ako sa hallway isa syang nerd nagkalat ang gamit nya kaya agad ko syang tinulungan. Pag angat namin ay nagulat sya ng makita ako.

"Wow! Ate Mia! Mag aaral ka na dito?!" Sabi nya saakin

"Excuse me,kilala mo ako?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman! Sino ang di makakakilala sa isang sikat na Inventor?!" Napatango naman ako sa sinabi nya akala ko kilala nya talaga ako eh.

"Sorry nabangga kita sige mauuna na ako" sabi ko at tumalikod na. Sabi pa nya saakin masaya daw sya at andito na ako muka naman syang mabait.

Ng makarating ako sa Cafeteria ay kumain na kami at pagtapos ay umuwi kami tapos dinala na ako nila Faye sa kwarto ko. Maaga akong pumasok sa kwarto ko at naglinis na ng katawan at nahiga na dahil napagod din ako.

Pero ilang oras na ako dito hindi parin ako makatulog napatingin ako sa orasan at 11 na ng gabi. At dahil sa inis ay tumayo ako at bumaba para uminom ng gatas para antukin.

Third Person POV.

Ng makapagtimpla na si Mia ng gatas nya ay naisipan nyang maupo doon doon sa may terrace ng dorm nila at kitang kita mula doon ang buwan sa itaas.

Habang umiinom sya doon ng gatas ay nakatingin lang sya sa malawak na lugar na iyon. At sa itaas kung saan andon ang buwan. Tapos napatingin sya sa gubat na nasa gilid niyon at parang may nararamdaman sya ewan pero sinawalang bahala nalang nya hanggang sa nakatulog sya habang nakaupo doon.

Sa kabilang banda ay hindi makatulog si Dark kung kaya ay naisipan nyang pumunta sa terrace pero iba ang sumalubong sa kanya. Nilapitan nya si Mia at nakita nyang tulog na ito at nasa tabi nya ang baso ng gatas na hindi nya naubos.

Napangiti nalang si Dark dahil muka itong bata habang nakayakap sa tuhod nito at natutulog. Pero agad din sya umiling at binuhat ang dalaga para ipasok na sa kwarto nito dahil malamig na. Lalo syang natawa sa isip nya dahil hindi manlang ito nagising at mas lalo pag yumakap sa lalaki.

Ng makapasok sila sa kwarto ay agad nya itong hiniga aalis na sana sya pero hinawakan nito ang kamay nya. Napatingin si Dark sa dalaga at nakapikit parin ito.

"Mama , tabi tayo matulog di ako sanay ng wala ka" napatawa si Dark dahil na sleep talk ito pero ayaw talaga syang bitawan. Naisip nyang hindi ito sanay matulog mag isa kaya wala syang nagawa kungdi tabihan ito.

Ng makahiga sya ay niyakap naman sya ng mahigpit ng dalaga kaya wala na syang nagawa kungdi yakapin nalang din ito at natulog na.

_____

( Vote

Comment

And

Share

Be a Fan!

Love lots!

~B.NICOLAY/Ms.Ash)

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now