#22: Ma Femme

Magsimula sa umpisa
                                    

“You being eighteen, we being married means that I now have access to you, ma femme” namamaos na bulong niya ulit sa akin. Huminga na naman ako ng malalim at mariin akong napapikit lalo na ng maramdaman kong marahang umaangat ang kanang kamay niya mula sa baywang ko hanggang sa may tiyan ko.

ASDFGHJKL!

“Ba--bakit ma femme?” halos nauutal na tanong ko sa kanya. Gusto kong ma-divert sa iba yung nangyayari dahil parang hindi ata kinakaya ng sistema ko ang pakiramdam na ibinibigay niya ngayon.

At hindi ko rin naman kasi alam kung anong ibig sabihin ng ‘Ma Femme’. Alien language ba yun?

“Hmmmm?” aniya at marahan akong inikot paharap sa kanya.

“Bakit ma femme? Ano yun?” tanong ko ulit. Halos mapaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin. Napangisi siya marahan na naman niyang hinaplos ang pisngi ko dahilan para halos kilabutan ulit ako.

Sobrang bago talaga sa akin ng mga ginagawa niya.

“Ma femme means my wife, my woman in French. You’re my wife and I’m your husband” sabi niya at marahang hinaplos ulit ang mukha ko. I stiffened in my place as he looked at me intensely. I really want to avoid his gaze but he already locked it with his eyes. Para bang hindi na ako makakawala pa sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa ulit. Naramdaman ko na lang na hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at isinabit iyon sa gilid ng tenga ko habang nanatili ang tingin niya sa akin. Muli na namang na-abnormal ang tibok ng puso ko. Para bang gusto ng lumabas ng puso ko mula sa katawan ko.

“Tell me to stop then I’ll stop… my wife” aniya at naramdaman ko yung dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko.

“Let me show to you how much I love you…” he softly said as he leaned closer to me. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ulit ang marahang paghalik niya sa akin. I unconsciously wrapped my hands around his waist as his kiss gets deeper.

Pakiramdam ko ay lumipad na sa kalawakan ang buong pagkatao ko dahil wala na akong ibang maramdaman bukod sa nakakabaliw na halik ni Jared. Nakakapanghina, siguro kung hindi niya ako inalalayan ay malamang bumagsak na ako.

Mahal niya ako, mahal na mahal. Saksi ang buwan, bituin at ang buong kalawakan sa ginagawa niyang paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko yung pagbagsak ko sa isang sobrang lambot na bagay. Tumigil din si Jared kaya binuksan ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nung marealize ko na nakahiga na pala ako sa kama at nasa ibabaw ko si Jared.

Akala ko ay tatayo na siya pero nagulat ako nung maramdaman ko yung labi niya sa may panga ko pababa sa may leeg ko. I bit my lower lip and I tightly hugged his back and closed my eyes.

“Mrs. Saerin Gail Montello… ang gandang pakinggan” bulong niya sa may leeg ko at muli na namang lumapat yung labi niya roon. It’s seems like he’s marking my whole being.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon