Chapter 18

145 6 1
                                    

Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa pag-iisip.

Oo tumutulog din ako dahil kailangan ko din magpahinga.

Umaga na at tinititigan ko sya habang natutulog. Hinihintay ko ang kanyang pag-gising. Ang gusto ko sana ay ako ang una nyang makita.

''Uhm, baka matunaw ako nyan'' Bigla syang nagsalita. At nakita ko naman ang unti-unti nyang pag-mulat. ''Bakit parang ang bait mo nitong mga nakaraan huh? Siguro iiwan mo na ako nu?''

''Tss, matagal pa yun nu. Bumangon ka na dyan at mag-handa. Di ba nangako ako sa'yo na pupunta tayo sa Seoul?''

''Ah sige sige woooh'' Dali-dali syang tumayo at dumeretso sa banyo. Grabe! Pangarap nya ba ang makapunta sa Korea? Eh nagpabalik-balik na ako dun eh. Haist.

''Tonyang! Aabsent ka ba sa trabaho mo?''

''Syempre'' Sigaw nya.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas pero

''Done!'' Sigaw nya nang makalabas sya sa banyo.

Grabe ah! Ready sa snow. Sobrang kapal nang jacket at naka boots pa. Tch.

''Okay na?'' At tumango-tango sya habang nakangisi ''Halika't kumapit ka sa akin''

''Owkey!'' Tch parang bata.

''Ready?''

''Yup''

''Pikit ka lang ha'' Sabi ko't pumikit na din ako at inisip ang aming destinasyon - ang Seoul, Korea.

Habang yakap ko sya, hindi ko mapigilan ang puso ko na huminto sa pag-tibok. Nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam na  ito dahil sa babaeng nakayakap sa akin ngayon.

Sana habang panahon na lang kaming ganito.

Hindi nagtagal at nakarating na din kami dito sa Seoul.

''Malamig na Baste, nandito na ba tayo? Pwede na ba akong mumulat?''

''Ah oo naman''

Nakita kong kumorteng U ang labi nya.

''Wow Baste! The best ka talaga'' Sigaw nya. ''Totoong nandito na talaga ako.'' Sigaw nya.

Nag-lakad lamang kami at nilibot namin ang iba't ibang lugar dito sa Seoul.

Nalimutan kong ikwento sa inyo na may dala syang Camera. Lakas maka-girl scout eh.

''Picture tayo Baste''

''Ayoko, alam mo namang hindi ako makikita dyan eh.''

''Anla, kahit na'' Pagpupumilit nya. Wala akong nagawa at

Click!

Ayon at nakuhanan na nya ako.

Napansin ko namang natulala si Tonyang sa camera nya.

''Anong problema?'' Tanong ko. ''Oy wait wag nga'' Kinuhanan na naman nya ako hayst.

''Baste'' Tawag nya na parang kabado?

''Bakit?''

''Tingnan mo to dali'' Nakatingin pa din sya sa camera nya. Lumapit na ako at pinakita nya sa akin ang kuha nang camera nya. ''Tingnan mo, hindi ka kita dito'' Tiningnan ko. Natural namang hindi ako makikita nu. Tch

''Ikaw talaga, sinabi ko naman sa'yong'' Hindi na nya ako pinatapos pa.

''Pero, Baste dito sa larawan na'to. Magkasama tayo. At nakuhanan ka din'' Tiningnan ko ang kuha at

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now