Chapter 10

109 6 0
                                    

Good Morning Toni! Pwede bang samahan mo ako sa mall now?

Kakagising ko lang pero may text agad na bumugad sa akin.

Pero?

Toni?

Hmmm parang maganda sa pandinig ko ang tawag nya ah.

Pero sino naman kaya itong nag text na 'to?

Hindi pa din ako nabangon. Iniisip ko kung sino 'tong nag text. Naiisip ko lang, sikat na ba ako dahil sa dami nang unknown number na nagt-text sa akin?

Hmmm siguro nga, mareplayan na nga lang.

Who you?

Yan ang reply ko at agad namang nagreply. Wow active!

Si Sofia 'to.

Oh I see!

Sofia!

Napabangon tuloy ako.

Ano naman kayang binabalak nang babaeng ito't gusto akong sumama sa kanya sa mall?

Pero saan naman nya napulot number ko? Kanino pala rather? Hmmm

Ah sige, text mo na lang ako kung saan tayo magk-kita

Oh yan ang reply ko.

Para masagot ang wonderful questions ko, mas magandang personal kong itanong iyon sa kanya.

--------------------

Sa mall.

Hmmm nandito na ako ngayon sa mall. Naka jeans lang ako and plain sleeve less pero hindi naman spaghetti strap pang p*k-p*k kaya 'yun.

Naglakad-lakad na ako but then hindi pa din nagt-text ang bruha.

Aba! Baka naman ibang mall ang pinuntahan nun?

Ilang minuto pa ang ipinaghintay ko at nag-text na din sya. Dun daw kami mag-kita sa tapat nang Ice cream parlor.

Kaya 'yun at nagmadali na akong sumakay sa escalator.

Malayo pa lamang ako pero alam kong sya na yung nakatayo sa tapat nang ice cream parlor kasi naman eh, makakaway wagas.

''Hi buti nakarating ka'' Nak nang makangiti naman to. ''Tara'' Sabi nya't agad akong hinila.

''Alam mo kailangan ko talagang makahanap nang pang-gift''

''Ha? Eh bakit ako ang isinama mo?''

''Ah, wala kasi akong kaibigan, uhm si Aira mukhang hindi naman nya ako gusto eh'' Buti alam mo.

''Ah ganun? Uhm para kanino ba?'' Tanong ko. Kasi Napatigil kami sa isang bazaar dito sa loob nang mall. Oo may mini bazaar dito. Minsan may mga exhibit at kung anu-ano pa.

''Ah, para sa kaibigan ko''

''Girl o boy?''

''Boy sya''

''Ah'' Tsss bakit ako pa sinama nya? Bibili lang naman nang pang-regalo kailangan may kasama pa?

''Ang ganda naman nya nu?''

''Oo nga, mukhang barbie ang mukha''

''Tapos yung damit nya, ang gara nu?'' Napasimangot naman ako sa huling narinig ko ''Hindi tulad nung sa katulong nya''

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now