Chapter 9

120 4 0
                                    

Bagong taon, bagong buhay.

Yan ang laging lumalabas sa bibig nang mga tao after New Year Celebration.

January and madami akong New Year's Resolution.

Number one na dito ang opisyal na magkaroon nang boypren haha!

Tapos 'yung iba?

Hmmm pag-iisipan ko pa.

''Hi good morning'' Bati ko sa mga schoolmates ko habang nag-lalakad ako dito sa hallway.

Yeah boy! Lapit na akong maka-graduate haha!

Saan kaya ako makakapag-work?

Banks?

Lending institutions?

Law firms?

Manufacturing companies?

Haha sige stay put lang kayo dyan, dadating din ako.

Mukhang si Aira 'yun ah?

Ganda talaga nang bestfriend ko. Habang tinitingnan ko sya papalapit dito, parang nags-slow motion sya. 'Yung pag-flip flip nang hair nya woooh nakakainggit.

''Hey Tonyang laway mo'' Nak nang. Lagi na lang bang dapat tumutulo ang laway ko? Kadiri!

''Saan tayo after class?'' Cool kong tanong sa kanya.

''Wow ha kailan ka pa nagka-interest sa real world?'' Sarcastic nyang sabi.

''Di ba pwedeng, eeskapo na ako sa pagiging manang ko?''

''Haha okay fine, bar tayo later. Opening kasi nang bar ni uncle Tomy and everybody in the family is invited.'' Masayang sabi nya.

''Ibang klase talaga ang pamilya mo''

''Naman'' Pagmamayabang nya.

--------------------

After Class

Actually hindi ko na namalayan kung bakit bigla na lang nawala si Aira.

Mag-kasama lang naman kami nun kanina pero hindi sya pumasok.

From: Brent

Hey baby, I'll catch you up later. I love you.

Sabi sa text ni Brent.

Sabi ko sa inyo e, kulang na lang talaga ay sagutin ko sya nang super sweet kong OO para naman maging official na ang relationship namin.

Palabas na ako nang room nang

Blaaaag

Wala na! Ang tanga kasi nung bumunggo sa akin. Laglagan tuloy ang mga gamit ko.

Ang tendency?

Pulutin lahat pati ang mga nag-liparang notes.

Nak nang, baka may makakita pa nang kodiks ko. Lagot!

Dali-dali ko itong sinimot at 'yun last na.

Sisimutin ko na sana kaya lang may isa pang kamay ang kumuha nang papel. Syempre hindi na ako nakipag-agawan pa.

Tumayo ako at napanganga sa babaeng nakangiti sa akin. Parang gusto nyang makipag-kaibigan dahil sa asal nang kanyang kamay.

''Hi! I'm Sofia'' I know right? Kilala kita at ang tanga ko naman kung hindi ko makilala ang babaeng nag-tapon sa isang mahalagang tao tulad ni Brent. ''Can we be friends?''  Anong dapat kong gawin?

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now