Chapter 52

85 4 0
                                    

[ ANTONIA'S POV ]

Ahhhrrr

Ang sarap naman nang gising kooooh!

Ughhh

Pero di ko pa man iminumulat ang mga mata ko'y parang nanibago na ang balat ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

Teka, parang may mali yata.

Hindi naman airconditioned ang kwarto ko at lalong hindi ganito kakapal ang kumot ko.

Bigla akong nakaramdam nang matinding kaba.

Natatakot akong imulat ang aking mga mata pero matigas ang ulo nila huhu.

HOLO! Hindi nga ito ang kwarto ko!

Hindi ko iginala ang mga mata ko kasi baka may hindi maganda akong makita sa loob nang kwartong ito.

Pero. .

Isang mariing pikit at mulat

Malalim na lunok

At isang malakas na buntong hininga nang may makapa ako sa tabi ko...

Shit!

Ano 'yung nahawakan ko!

Kakaiba!

Yay!

Hindi na ako nagkuli pang tingnan ang bagay na nasa kanan ko!

Nanlaki ang mga mata ko nang

''Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh'' Sigaw ko sabay tayo nang makita ko kung sino 'yung katabi ko. Si... Si... No! Hindi to totoo!!!!!!!!!! Hindi sya nagising. Mabuti naman.

Pero mas nagulantang ang mundo ko nang makita ko na lamang na ang sarili ko ay hubad!

Hubad?

Nak nang tokwa!

Hubad nga ako!

Dali-dali kong hinigit 'yung makapal na kumot mula sa kama. Nasaan na ba 'yung mga damit ko? Paano ba 'to nangyari? Bakit hindi ko maalala?

Shit naman oh!

Pero nang pwersahin kong higitin 'yung kumot...

''Waaaaaah'' Bakit nakahubad din sya?

''Ano ba?'' Singhal nya nang magising sya. ''Ang ingay-ingay mo talaga kahit kailan. Tsk, pinagod mo na nga ako kagabi, mang-gigising ka pa nang pagka-aga'' Bulalas niya.

But wait!

Kung nakahubad din sya...

Does it mean..

'Yung kakaibang nahawakan ko ay 'yung kanyang..

''Noooo!'' Sabay iling-iling pero

''Bullshit Tonyang'' Singhal nya. ''Pwede ba mamaya ka na lang mag-tanong kung naguguluhan ka? Patulugin mo muna ako okay?'' Tapos hinigit nya yung kumot sa akin. Shit!

Kaasar naman nasaan na ba ang mga damit ko?

''Nasa cr ang mga damit mo'' Mahina nyang sabi kaya't agad kong pinuntahan 'yung cr and Thank God nandito sila.

Pero, nakakaasar! May nangyari kaya? Hmmm sana wala!

T-teka, lasing nga ako kagabi kaya siguro wala akong maalala.

Wait, pinainom ako nung kaibigan ni President.. Oo, tama! Kailangan ko syang puntahan! Sya ang may kasalanan nang lahat nang ito..

Pero,, hmp gagantihan din kita President sa ginawa mong pangaalipusta sa katawan ko at kainosentehan nang katawan ko huhuhuhu. Hindi pa naman ako ready sa mga ganung bagay eh.

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now