Chapter 13

108 5 0
                                    

Ang pagtatago at pag-takas sa problema ay hindi solusyon. Pinapatagal mo lamang ang pananatili nang problema. Mas magandang harapin ito't hayaan mong ikaw ang problemahin nang problema.

-----------------------------

After two years, nakatapak na ulit ang mga paa ko sa lupa nang Pilipinas.

Nalalanghap ko na ulit ang usok at kung anu-ano pa.

Kakababa ko pa lang nang eroplano.

Ang alam kong susundo sa akin ay si Mommy. Si Maura? Ayun at natutulog pa din.

Palabas na ako tulak-tulak ko ang mga push carts na may luggage ko.

''Besfie!'' Kilala ko ang boses na 'yun.

Agad kong inilibot ang aking mga mata. Pero masyadong madaming tao. Hindi ko sila mahanap.

''Nandito kami tanga'' Napasimangot ako sa isinigaw ni Aira na iyon. Kasi naman ''Dalwang taon ka lang nawala bulag ka na?'' Nakita ko syang nakatayo't nakapamewang sa harapan ko. Tiningnan ko ang kaliwa nya at nakita ko si Mommy.

''Mommy, hello na miss ko kayo'' Niyakap ko sya nang mahigpit. Pero agad din naman syang bumitiw mula sa pagkakayakap ko.

''Masaya kaming dumating ka nang ligtas ngayon. I miss you. Pero hindi mo pa ba sya napapansin?'' Ngumuso-nguso pa sya sa parteng kanan at nakita ko si

''Hi Tonyang. Its been two years. How are you then?''

''I'm, well I'm okay Drew. Nice to see you here'' Talagang sumama sya sa pagsundo sa akin? I didn't expect it but then good to know that Aira and Drew are bound together.

So binigyan ko sila nang tinging malisyoso haha pero si Aira, lumapit at bumulong

''Hindi kami tanga'' Wow ha! Two years na pero hindi pa din pala ako tumatalino sa paningin ni Aira. Tanga ako. Tanga lang talaga para sa kanya.

''Ah Drew, h-hindi kayo? Pero bakit?'' Tanong ko pero si Aira

''Una na ako sa kotse'' Walkout.

''Sige na, sa bahay na lang natin ituloy ang kwentuhan.'' Sabi ni Mommy.

-----------------------

''Its nice to finally meet you Miss Panganiban. Miss Mendoza talks a lot about how good you are in many thing and different ways. So welcome to the company'' Then tumayo kami't naghand shake.

After office I texted Aira na mag dinner date kaming dalwa. Actually hindi sapat ang naging kwentuhan namin. Hindi ko alam kung ano na ang mga narating na nya at marami pa akong gustong malaman tungkol sa kanila ni Drew. Halata naman kasing may something.

Paglabas ko nang building napansin ko ang lalaking nakaformal attire na nakasandal sa kotse nya. Nakapamulsa.

Ang cool naman nya tingnan.

Nag patuloy na akong mag-lakad at nakatingin pa rin sa lalaking nakasandal sa kotse nya.

Nang tumunghay ito parang nakaramdam ako nang hiya.

Nak nang, bakit sya?

''Hi Tonyang'' Bati nito nang nakangiti. Yung ngiti nya, parang nakuha na ako sa ganyang ngiti dati.

''A anong ginagawa mo dito nurse Drew?'' Tanong ko. Yeah! Hindi ko naman talaga inaasahang nandito sya.

Pero nginitian lang nya ang tanong ko. Hay

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now