Chapter 15

169 10 4
                                    

Hindi mo mapipili ang mga taong totoong nagmamahal sa'yo.

Hindi mo sila pwedeng utusang mahalin ka.

May mga taong showy pero fake naman at may mga taong hindi showy at cold treatment pero wagas ang kanilang pagmamahal na masusubukan mo pang habang-buhay.

---------------------

Hindi ko na naabutan si Aira sa kanila. Maaga daw umalis nang bahay, sabi ni manang Osang ay aattend daw nang bidding so malaki ang chance na hindi din ito pupunta sa resto nya.

Akma kong tatawagan si Aira pero pinigilan ako ni Baste.

''Wag ka nang tumawag. Barino sya ngayon at busy ang phone nya. Mukhang matatalo sya sa bidding nang mga employer'' Tiningnan ko sya nang masama.

''Weh? Di nga? Paano mo nalaman?''

''Teleportation'' Matipid nyang sagot. Okay sya na nga an kayang mag-teleport.

''Okay sige, tara na lang sa ospital'' At nag-lakad na ako. Malapit lang naman kasi may short-cut exercise na din ito.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi mag-isip nang itatanong sa kanya.

''Baste?''

''Hmmm?'' Tugon nya.

''Paano mo nagagawa ang teleportation?''

''Simple lang, iisipin ko lang ang gusto kong tao o lugar at instant makakapunta ako sa lugar na naisip ko''

''Astig. Sana kaya ko ding gawin yun''

''Sama ka na sa akin''

''Haha wag na lang pala'' Nakikita ko ang pag-ngiti nya.

''Bakit naman? Eh ako halos nalibot ko na ang Mundo. Walang hassle pero mas maganda siguro kung maisasama kita''

Hindi muna ako umimik.

Madami pa lang nagagawa ang isang multo.

Siguro magagawa ko ang lahat kapag patay na ako. Yun mga bagay na hindi ko kayang gawin ngayon magagawa ko kapag patay na ako. Ka-excite haha!

''Nakakapag-sisi tuloy na lagi na lang kitang inililigtas.'' Sabi nya na ikinatigil ko sa pag-lalakad.

''Oh ba't tumigil ka?'' Tanong nya.

''Paanong iniligtas?''

''Hindi lang three years ago ang ginawa kong pag-liligtas sa'yo. If natatandaan mo yung sumabog ang mga taxi then isa yun sa paraan kong pag-liligtas sa'yo'' Pinilit kong alalahanin ang pangyayaring iyon. Medyo limot ko na din.

''Hindi mo maalala? Yung araw na pupunta ka sa birthday ni Aira?''

Nanlaki ang mata ko. Oo tama ''Naaalala ko na. Hindi ako naka-attend nun kasi''

''Tinalisod kita para matumba ka sa putikan at hindi ka na matuloy sa pupuntahan mo'' Ang galing naman. Savior ko talaga sya.

''Ang galing mo naman Baste, ahm ano pa? Siguro ikaw din yung nagtext kay Aira dati nang kasama ko si Brent?''

Medyo sumimangot ang mukha nya.

''Oo, yung muntik ka nang maaksidente kasama ang baliw na Brent na yun''

''Ba't ganyan ka? Selos much?''

''Oo, bakit masama?'' Grabe maka-direct to the point ang isang ito ah. Masungit na suitor tapos seloso pa wow ha! Sya na talaga haha!

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now