Chapter 42

74 6 0
                                    

Umagang-umaga sya na naman ang nasa isip ko.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga sya iniisip eh. Hobby na lang nya siguro na tumambay sa utak ko.

Nab-bwiset na nga ako eh. Masyado syang malikot. Puro boses pa nya ang tumatawag sa akin nang ''Tonyang'' pero syemre sa isip lang.

Mukhang di kami bagay lalo na't isang wicked witch ang mama nya. Unlike yung mommy ni Brent. Napaka hospitable at tanggap ako at higit sa lahat boto sa akin over Sofia.

Pero iba na ngayon.

Pangalan na ni President ang isinisigaw nang puso ko.

Si Brent? Siguro kaibigan na lang talaga.

Nakakainis talaga ang lovelife nang isang Antonia Panganiban.

Una, kay Brent gusto namin ang isa't-isa at boto ang mommy nya kahit na mahirap ako. Kaya lang hindi naging maganda ang resulta.

Pangalawa, si Drew na kinaibigan ako tapos gawan ba naman ako nang hindi maganda? Pero kahit na matagal na kaming hindi mag-kaayos nag-eeffort pa rin sya para makuha ang forgiveness ko.

Pangatlo, si Baste na sobrang complicated because of our extraordinary meeting. Nag-kagustuhan pero hindi naging successful because of two different worlds and times.

Then now? Kay president naman. Ikinikilos nya ang mga bagay na hindi naman dapat. Katulad nya si Baste. Ako? Natutunan syang mahalin at itanong sa kanya kung ano ba ako para sa kanya. Pero syempre ang golden answer? ''Empleyado ka lang '' at ''Isa kang kaibigan'' What a great answer.

Ang sakit kaya non. Tapos after that ang treatment sa'yo real girlfriend.

Eh kamusta naman talaga 'yun nu? Paano ako makakamove-on kung puro kalokohan ang nasa paligid ko. Please lang, patahimikan naman sana ako nang love problems na 'yan.

Oo nga, hiningi ko ang one great love ko pero hindi ko naman ginustong madami pero di ko naman ma-achieve.

Hello? Nasaan ka na ba true love?

''Good morning'' After kong maka-labas nang condo.

''Ah, good morning? B-ba't ka nandito nang ganito kaaga?'' Tanong ko kay Brent.

''Ahm, isn't obvious?'' Sagot nya.

Bahagya akong nag-lakad sa ibang direksyon.

''Ah s-sige huh, papasok pa ako eh'' Sagot ko pero nagtatakbo sya't hinarangan ako.

''Nag-effort ako dito na gumising nang maaga then hindi ka sasabay sa akin?'' Sabi nya with puppy eyes. Haist tulad nalang nang isang ito. Bakit kaya hindi nya tinitigilan ang pangungulit nya? Nasabi ko na naman sa kanya dati na friends na lang kami. But why is he doing this?

''Thank you'' Nang makarating na ako't makababa sa DKJ Enterprise.

''No problem. Gusto mo sunduin kita mamaya?''

''Ay nako Brent 'wag na'' Sabi ko with my hand gesture.

''Ikaw talaga. Nadaan naman ako dito kaya hindi hassle''

''Naku Brent, mal-late na ako. Pasok na ako ah. See you next time na lang'' Palusot ko. Haist! Ewan ko ba sa mga lalaki. Magulong kausap. Sasabihin nila mga babae ang mahirap kausap eh ang totoo naman talaga ay silang mga lalaki.

''Hi! May nag-papabigay sa'yo. Kaya lang mukhang hindi kay president galing'' Bungad ni Lyn nang mapadaan ako sa cubicle nya.

''Ah, kanino daw?'' Tanong ko. Nasa table kasi nya 'yung bunch of flowers.

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon