Chapter 35

93 6 0
                                    

[ ANTONIA'S POV ]

Baste, dapat ko bang ituloy ang nararamdaman ko?

Di ba ikaw ang magaling sa mga ganitong bagay?

Sabi mo, gusto mo si Brent para sa akin at never ever si Drew.

Pero paano na ngayon?

May bagong taong pumasok sa buhay ko.

At sa tingin ko, sa kanya ko naramdaman ang pag-hinto nang mundo ko tulad nang naramdaman ko para sa'yo.

Ito na ba 'yon?

Kasi sabi mo hanapin ko ang makakapagpasaya sa akin.

Baste, hindi ko ito hinanap. Bigla na lang syang dumating sa buhay ko.

At sa pag-dating nya sa buhay ko, pakiramdam ko muli kang nabuhay.

Mahal ko na nga sya.

Masaya ako kapag kasama sya parang noong panahong kasama kita Baste.

Komportable ako kapag sya ang kasama ko.

Pakiramdam ko ligtas ako sa tabi nya kahit na puro kasungitan ang ipinapakita nya sa akin. At masaya ako kapag nagiging mabuti sya.

Tulad mo, mahilig din syang mag-basa, masungit, pala-utos, bossy tapos yung chocolate bar na lagi mong ibinibigay sa akin eh favorite nya. Yun nga lang sa halip na ibigay nya sa akin, ipinagdadamot nya.

Pero himala ngang pinabigyan nya ako kay Mr. Jung eh, yung secretary nya.

Pareho kayo nang character, kahit pinag-susungitan nya ako ayos lang.

Itong picture natin at itong picture namin ni President, kung nakikita mo lang, for sure matutuwa ka. Kasi naman pareho kayong ayaw sa camera at pareho din kayo nang kuha.

Miss na talaga kita Baste, sana masaya ka din tulad ko.

Sige na at uuwi na ako.

Maaga pa kasi kami ni President bukas.

After kong makauwi from Seaside agad na akong natulog.

--------------------

Kinabukasan

[ DYLAN'S POV ]

Maaga akong pumunta sa bahay ni Tonyang

''Oh Dylan, ang aga mo naman? Inunahan mo pa ang tilaok nang mga manok'' Sabi ng Daddy nya.

Napahawak tuloy ako sa ulo ko.

''Hehe, may outing po kasi kami nang mga empleyado ko, gising na po ba sya?''

''Ay nako hijo tulog na tulog pa''

''Pwede po bang gisingin na natin sya?''

''Ah sure sure, sige ikaw na ang gumising sa kanya, halika na'' Yaya ni Daddy.

Pag-dating namin sa kwarto nya.

''Sige hijo ikaw na ang bahala sa kanya''

''Sige po, salamat'' Pumasok na ako. Bakit kaya ang kalat nang kwarto nya?

Naalala ko tuloy nang unang beses akong pumunta dito, ganito din kakalat.

Hay hindi pwede 'to.

Lumapit na ako sa kanya at akma ko na sana syang gigisingin kaya lang,

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang nangyari na'to dati.

Sandali akong natigilan pero

''Baka matunaw na ako nyan'' Bigla syang nag-salita na ikinatayo ko. Narinig ko syang tumawa

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now