Chapter 56

62 2 0
                                    

Disney Cartoons is not just a cartoons. Its stories always have its unique happy ending.

Akala ko hindi totoo 'yung nangyari. Parang isang panaginip. May bida, kaibigan at syempre ang laging kumo-kontra sa bida - ang Wicked Witch.

Pero hindi, totoo lahat ito.

Gabi-gabi pa rin kasing umuulit sa panaginip ko ang mga nangyari.

Kung paano nya ako niyakap, kung paano nag-alala ang kanyang mga mata, at kung paano nya ako hinalikan sa labi at sabihin sa aking ako yung mahal nya.

Ang sarap isipin.

Kaya naman siguro lagi ko na lamang napapanaginipan ang lahat.

Dahil may Happy Ending

Sana ay mag-tuloy tuloy na.

Hindi ko alam kung paano nila nagawa pero ang galing nilang dalwa. Si Aira at si Tristan.

Dakilang Flashback

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon biglang may malakas na tawa kaming narinig at palakpak na parang nag-mumula sa dalwang tao. Nang makita namin kung sino ang mga iyon

''Kayong dalwa? Tristan what does it mean huh?'' Inis na tanong ni President pero ngumiti lang ang mga ito, ngiting pang-asar.

''Bro, napaka-hard to get mo naman kasi eh kaya aren't you happy? Gumawa na nga kami ng white plan tapos ganyan pa ang sasabihin mo? We made it for the both of you. Maganda naman ang naging result right?'' Tapos bigla na lamang na tumayo si President at ''Ouch pare, wala na ngang thank you may sapok pa? Abay matinde!''

''Ang galing ng plano nyo, pwede namang hindi ako mapahiya di ba? Di ba Tristan'' Parang nanliit ang mga mata ni President sa bahagyang pag-lapit nito kay Tristan at sabihin ang mga bagay na iyon. Napatingin naman ako kay Ai na kasalukuyang hawak ang isang stuff toy at nakangiting nakatingin sa akin.

Pero agad din itong naputol dahil kinalagan ni President ang mga nakatali sa akin tapos walang pasabing hinila ako.

Haist, .... Ano na naman kaya ang plano nito?

''Hoy President!'' Pero ni hindi nya ako tiningnan. Paulit-ulit kong isinigaw ang pangalan nya pero walang talab hanggang sa sya ay huminto sa pag-lalakad. Anong problema?

''You bitch'' Hindi ko namalayang nakalapit na sa akin ang bitch este si Veron. Umilag ako pero walang kamay na lumapat sa mukha ko.

''Stop it Veron. You can go back to your place'' Sabi ni President. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko't nakita kong hawak ni President ang braso ni kulot. Nagpupumiglas ito para masabunutan ako pero hindi sya makawala sa pag-kakahawak ni President.

''Napaka-kapal nang mukha mong hampaslupa ka.'' Sigaw nya pero

''Tigilan mo na 'yan Veron'' Sigaw ng isang lalaki, si Drew. Halatang pagod na pagod sya sa pag-takbo. ''Hayaan na natin sila Veron'' Tapos unti-unti syang lumalapit sa amin at hinawakan ang braso ni Veron. ''C'mon Veron'' Tapos tumingin sya kay President ''Ako na ang bahala sa kanya''

''Pwede ba Andrew bitawan mo ako?''

''No, uuwi na tayo'' Tapos tumingin sa akin si Drew at. . . . . .ngumiti. Kaya naman ngumiti na rin ako.

Kita ko kung paano mag-wala si Veron.

''Galit na galit sya ano?'' Sabi ko pero ''Ahhhh ibaba mo ako President'' Bigla nya akong kinarga. Karga na nakatiwarik at ang mukha ko ay nasa pwetan nya. Grrr ang baho! Hahaha pero joke lang syempre, sa tinagal-tagal nang panahon na kasama ko sya wala yatang oras na naamoy ko syang mabaho.

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now