Chapter 43

69 5 0
                                    

[ VERON'S POV ]

''Hanggang kailan ka bang busy huh Andrew? Wala akong magagawa if si Brent ang makinabang nang lahat'' Sabi ko kay Andrew. Tahimik lang sya habang umiinom nang tea.

''Tatapusin ko lang ang ginagawa ko, then I'll help you''

''Tss, until when Andrew? I need my Dylan as soon as possible. Hindi na ako makakapag-hintay pa''

''Kaya pala lahat ginagawa mo. And to tell you Veron, dahil sa ginawa mong pagpapa-alis kay Tonyang sa sarili nilang bahay, it made a bridge para magkasama silang dalwa ni Dylan sa Condo'' Nanggigil ako sa sinabi nya.

''What did you say? Magk-kasama sila sa isang condo? No! Hindi pwede 'yun. Kailangan mag-hiwalay na ang dalwang 'yon''

''Then think a best way. Hindi 'yung magpapaka-witch ka para mawala sya sa buhay mo. Napaka-immature mo''

''Sobra ka na Andrew. Ako naman lahat ang gumagawa ng paraan ah. Kaya 'wag mo akong masabihan nang kung anu-ano''

''Mahal ko si Tonyang, pero di ako tulad mo. Malinis akong lumaban dahil di ako natatakot matalo''

''I am not afraid to lose 'cause I know I can win him back''

[ DYLAN'S POV ]

This time, uunahan kita at pag-sasabihan na din Brent Lee.

Akin lang si Tonyang.

Thankful nga ako't walang Andrew Wilson na aali-aligid.

Madilim pa sa labas pero nakasandal na agad ako sa pader sa labas nang unit nila.

Grabe ang kabaliwan ko sa babaeng 'to.

Hindi nag-tagal at lumabas na sya nang unit. Parang nagulat pa sya sa nakita nya.

''Tayo ang magka-sabay ngayon'' Sabi ko.

''Ah eh, s-sige?'' Sagot nya. Hinawakan ko na agad ang kamay nya at nag-lakad palabas nang condo. Wala syang imik. Mas hinigpitan ko pa ang pagkaka-hawak ko sa kanyang kamay.

Hanggang sa lumabas kami at nakaharap ko na sya.

''Ikaw pala mr. Lee'' Sabi ko.

''Ah eh, Brent pasok na kami ni President huh?'' Sabi ni Tonyang at hinigit pa ako pero hinigit ko sya pabalik. Lumapit ako kay Lee.

''Ano bang business mo with my girlfriend?'' Tanong ko pero ngumiti lang sya. Bwiset talaga ang loko.

''Ah eh, alis ka na Brent. Si President na ang mag-hahatid sa akin huh?''

''Okay lang Antonia. '' Sagot nang loko.

''Tonyang, get inside the car now'' Hindi naman sya nag-salita pa.

''Ano bang kailangan mo huh? Hanggang kailan mo ba balak sulutin ang girlfriend ko?''

''Hanggang kailan? Uhm Hanggat nandyan ka sa tabi nya.''

''Layuan mo na sya, dahil sa akin na sya ngayon''

''Tss, nauna syang naging akin, at babawiin ko lang ang dapat na para sa akin''

''Walang sa'yo Brent. You made her cry and I knew it. And that was the biggest mistake you've ever made''

''Talunin mo ako in a basketball game, then I'll give everything to you''

Tss, tanga ka Dylan kapag pumayag ka. Hindi ka naman marunong mag-basketball para umo-o sa hamon nya. Para kang nag-bigay kapag ginawa mo 'yan.

''Tss, ang dali mo namang ipusta ang mahal mo para sa laro''

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now