Chapter 1

467 8 0
                                    

Name: Antonia Panganiban

Gender: Female

Age: Kailangan ba talaga 'to?

''Ay potek, talagang naisulat ko yung nasa isip ko. Pwe!'' Nakakaasar. Magbubura na naman ako. Ito talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang magfill-up nang iba't-ibang forms. Never akong nagfill-up na walang bura. Napapagalitan na nga ako sa school eh. Hindi na daw ako nagtanda. Eh graduating na daw burara pa sa gamit. Asus! Kala mo naman kung sinong mga perpekto. Mga corrupt naman.

Buti na lang may dala akong correction tape. Habang tinitingnan ko yung ibang tanong sa papel na hawak ko, kinakapa ko yung correction tape sa bag ko. Pero

''Hala!'' Teka nasaan 'yun? Tiningnan ko na yung bag ko at wala nga. Ibinubo ko na nga yung lahat nang gamit ko makita lang yung lintek na correction tape na 'yun. Pero at the end, wala talaga. Napabuntong-hininga na lang ako.

Paano na ito? Eh ayaw na nga akong bigyan nang form kanina sa registrar kasi daw nakakatatlo na ako. Psh

Naiinis na talaga ako.

Kukuyumusin ko na sana itong form na hawak ko nang biglang may nag-lagay nang correction tape sa ibabaw nang form ko. Aba! Hulog nang langit. Titingalain ko na sana kung sino pero wala nang nakatayo sa harapan ko.

Ang bilis naman yata.

Pero may isang lalaking naglalakad palayo ang nakaagaw nang aking pansin.

Siya kaya?

Tiningnan ko lahat pero busy sila sa pags-sulat.

''Uy tonyang!'' Sinamaan ko sya nang tingin dahil sa itinawag nya sa akin. Ang bantot nang pangalan ko grabe pero wala eh. Mahal ang pabago nang pangalan. ''Oh? High blood ka na naman? Eh keaga-aga busangot na 'yang mukha mo''

''Eto nakikita mo 'to?'' Itinaas ko yung correction tape at nag-oo naman sya ''Syempre hindi ito, gusto mong pakain ko sa'yo 'yung basurahan?'' Sabi ko sa kanya pero hinampas nya ako sa balikat ko.

''Ikaw naman besfie, di ka na mabiro'' Tapos nilapirot ang magkabila kong pisngi. ''Ang cute, cute mo talaga ahe he he'' Teka, parang nang-aasar lang 'to ah.

''Tigilan mo nga ako Aira'' Nga pala sya si Aira Mendoza. Bestfriend ko since last sem. Medyo kalog 'yan, may pagka-maldita din buti pa ako maganda na mabait pa wahahahaha! Pero syempre jokis lang 'yun.

''Gimik tayo mamaya''

''Nags-sulat pa ako'' Sabi ko habang patuloy pa din ako sa pagf-fillup nang forms. Takteng form naman kasi ito eh. Anim? Tapos ano 'to lokohan? Unli? As in paulit-ulit? I-photocopy ko na lang kaya? Di naman yun kabawasan sa baon ko eh.

''Napaka old school mo talaga'' Inis na sabi nya't padabog na umupo sa tabi ko.

''Ai, alam mo naman ang stand ko after school''

''Yung sisteret mo na naman? Eh isang taon mo na 'yung inaalagaan ah! Ba't di 'yung nanay mong mandurugas ang mag-alaga dun?'' Tiningnan ko ulit sya nang Shut-your-mouth-or-else look kaya nag-act sya nagz-zip nang mouth.

Sa pags-sulat ko bigla na lamang sumigaw itong baliw na ito.

''Ahhhhhhhhhhh! Su pogi!!!! Ahhhhhhh'' Napatingin naman ako kay Aira na kilig na kilig at napatingin na din sa tinitingnan nya and ow so yummy. Shit ang pogi nga. Naglalakad lang pero nags-slow motion ang tingin ko sa kanya. Parang artista lang ah. Malapit na sya sa kinauupuan ko. Sa akin ba sya lalapit? Ako ba yung pupuntahan nya? Na-love at first sight na ba agad sya sa akin? Ang ganda ko naman yata. Hindi ko na rin marinig ang sigawan nang mga estudyante. Papalapit na sya dito eh.

Escape from my Ghost Lover ( ON-GOING )Where stories live. Discover now