Iginalaw ko ang kamay at nagsimulang manguha ng kanin. Ayos lang namang kanin lang ang kainin ko pero hindi pa lang nagtatagal ay kusang si Simon na ang naglagay ng ulam sa aking pinggan. Hinimay niya pa iyon at inalis ang buto-buto bago ngumiti sa akin.

"Masarap 'yan. Lasang manok," aniya pa bago sumubo na ng kaniya.

Kinakabahan kong hinawakan ang isang hita ng palaka. Pinakatitigan ko pa iyon nang matagal bago nagpasyang tikman. Hindi ko naman siguro ito ikamamatay. Pumikit ako nang mariin nang maisubo na iyon. I could feel Simon's stares but I remained my eyes closed as I tasted it.

Ninamnam ko siya nang ilang sandali bago agad nagmulat. Simon lifted his brows, asking if I was alright. Nginuya ko ang laman ng palakang sinubo bago marahang napatango. He was right. Masarap nga siya! Nanguha pa ako ng isa at muling isinubo. Ganoon pa rin ang lasa, masarap! Parang saglit kong nakalimutan na palaka iyon!

Natigil ako sa muling pagkuha nang tumawa si Simon nang mahina. "Ano'ng lasa?" May pagbibiro sa kaniyang mga mata.

Nag-init ang aking pisngi nang umiwas ako ng tingin. Nakakahiyang ang arte-arte ko lang kanina pero ngayon ay sarap na sarap akong manguha.

"M-masarap nga," mahina kong sagot bago nagpatuloy na sa pagkain. Sa tingin ko'y ako pa ang mas nakarami sa ulam kaysa sa kaniya.

Sa halip na tumila ang ulan ay mas lalo pa iyong lumakas maging ang pagkulog at kidlat. Nakaupo na ako ngayon habang hinahaplos ang tiyan, mukhang napasarap ang aking pagkain.

"Nasubukan mo na bang tawagan si Senyor?" Lumabas si Simon sa banyo.

Umayos ako nang upo at tiningnan siya bago umiling. Hindi pa rin nakaiwas sa aking mata ang kaniyang nakabalandrang kakisigan. Basa pa kasi ang kaniyang damit.

"H-hindi ko siya matawagan..." kinagat ko ang panloob na labi dahil sa pagsisinungaling.

Ang totoo niyan, mas gugustuhin kong makulong dito kasama siya kaysa ang umuwi. Mabuburyo lang ako sa bahay.

Kumunot ang kaniyang noo. "Bakit naman? Baka nag-aalala na 'yon sa 'yo."

"Tinext ko naman na si Babet. Sabi kong patitilain ko muna ang ulan," agap ko.

Suko na lang siyang umupo sa aking harapan. Binalot kami ng katahimikan. My heart didn't stop from thumping wildy. Albeit we were both silent, my heart felt contented with the thought that we were just alone together.

"Baka nag-aalala na ang kasintahan mo," usal ko para punitin ang katahimikan.

Mula sa pagtitig sa kawalan ay napatitig siya sa akin. Ilang akong nag-iwas ng tingin. Mali atang nagsimula pa lang ako ng pangungusap.

"Sanay na 'yon," mababa niyang sagot.

Napatango na lang ako at tiningnan na lang ang orasan. Mag-aalas dos na ng hapon pero base sa pagtanaw ko sa bintana ay ang dilim na sa labas.

"P-paano kung hindi tayo makauwi ngayon?" parang may namilipit sa aking tiyan.

Hindi ko tinagpo ang kaniyang gawi dahil ramdam ko pa rin ang mata niyang nakatutok sa akin. "Wala ng ibang pagpipilian kundi ang matulog dito buong gabi."

Natuyot ang aking lalamunan nang maisip bigla iyon. I finally looked at him before the chair he was sitting. Parihaba iyon na sa tingin ko'y maaaring paghigaan pero kung si Simon din lang ang hihiga ay tiyak kong hindi siya kakasya.

Nangangalap pa lang ako ng muling sasabihin nang agad akong napatili dahil sa biglang pagdilim ng paligid.

"Oh my gosh!" I squealed again when a rumble of thunder roared after.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now