Prologue

274 19 38
                                    

As I stepped out of the car, I roamed my eyes around. It is the big gate welcoming me as part of Diamante International State Academy. I rolled my eyes before I get all my things and started walking inside.

Hindi na ako nagtaka nang makita ko ang ibang estudyanteng napapalingon sa direksyon ko. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Information Desk ng DISA.

Katulad ko ay madami ang nag iinquire para sa upcoming school year. Habang hinihintay ko na matawag ang pangalan ko para sa pagkuha ng mga uniforms and ID ko pati ang susi ng locker ko. Umupo muna ako sa sofa nandito para palipasin ang oras.

Ngayon ko pa lang kukuhanin ang uniforms ko kahit first day na ngayon. And the main reason? TINATAMAD AKO. Wala naman silang magagawa dahil kasama sa Shareholder ang parents ko. Inirapan ko na lang ang mga napapatingin na dumadaan dito habang pinagmamasdan ang hitsura ko.

Ano bang problema ng mga ito?

Anong masama sa suot kong black dress at black stiletto? And not to mention my Gucci sunglasses. I crossed my arms while waiting my name to be called. Tumayo ako para tingnan ang information board.

Matagal kong tinitigan ang board at napatango tango ako habang tinitingnan ang mga achievements ng school. Hindi din nakaligtas sa akin ang paulit ulit na pangalan na binabanggit pero sa magkakaibang field.

"Best Debater? High Council Organization President? Pianist? Consistent Honor Student? Dance Troupe Member?" Bigkas ko sa mga awards na nakuha ng taong nakakuha din ng atensyon ko.

I must say, I admired him in an instant. Base sa records niya dito, He is quite popular and genius. I smirked out of a sudden, yes, he's HE.

"Edwin Zander Calix Alvarado" Medyo malakas na bigkas ko sa pangalan niya.

At para akong natulos sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang hangin mula sa batok ko nang may nagsalita.

"Are you looking for me, Miss?" Walang kaemo-emosyon na tanong nito sa akin pero hindi ko siya nilingon.

I just shrugged my shoulders, "It's none of your business."

"It is rude answering someone without facing him. And it is my business because you said my whole name" Puno ng sarcasm na saad nito kaya naman napabuntong hininga na lang ako bago bored siyang hinarap.

But I almost stilled on my position when I faced him, He is wearing eyeglasses but that lessen me to see how tantalizing his brown eyes. Nakasuot siya ng uniform at ID.

"Done checking me out?" Mayabang na aniya.

I rolled my eyes, "You wish!"

He chuckle softly before asking me again. "Transferee?"

"Again, it is none of your business." Mataray kong tugon sa kaniya.

Sasagot pa sana siya ng may lumapit sa amin na babae. And based from her looks, she is a staff here.

"Miss Sevilla, your papers are now processed. You can now get your things and change." Magalang na saad nito.

I frowned, "Change?"

"Yes Miss. Uniform must wear on the first day of classes. Every Wednesdays and Thursday are days that everyone is allowed to wear civilian clothes." Paliwanag nito kaya naman napairap na lang ako.

"Do you think I am stupid as for me not to know the basics?" Plain kong tanong sa staff na kaharap ko at nakita ko naman na napalunok siya. Lumapit ako sa kaniya at napaatras naman siya.

Dear Crush [Dear Series Book 01]Where stories live. Discover now