Chapter 37

169 16 0
                                    

Locked

Nakapikit lang ang mga mata ko kahit gising na ako. Ngayon lang ako naging ganito ka-komportable sa pagtulog. Kahit masakit ang ulo dahil sa pag inom kagabi, mas nangingibabaw ang init na nakalukob sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang may gumalaw. Napatili ako nang marealize na may katabi ako! Malakas ko iyong naitulak na hindi man lang tinitignan kung sino 'yon.

Bumangon ako, agad namang kumirot ang ulo. I roamed my eyes around. Hindi ko kwarto to! White, black and gray ang nakikita ko sa paligid, and it looks familiar.

My eyes darted at the man on the floor. He groaned and he's holding his head. Nakilala ko lang iyon nang tuluyan kong tinitigan ang mukha niya.

"What am I doing here? Nasaan ako?!" Pagalit na sigaw ko kay Wren. He's sitting on the floor, and now's looking at me.

"Fuck! Ang sakit no'n. Bakit mo ako tinulak!" Reklamo niya. He's glaring at me.

"Sinong hindi magugulat na may katabi na pag gising?!—Oh my God!" I hissed and checked my body when I realized something. Puti na ang suot kong dami ngayon! An oversized plain white shirt!

"Sinong nagpalit ng damit ko?!" I asked, my eyes widened in shock. I hugged myself to cover my body.

"Would you stop shouting? Ang sakit sa tenga." Nakangiwing niyang sabi. Nanlaki ulit ang mata ko, sa galit naman.

"Bakit ako nandito?! Sino ang nagdala sa akin?! Nasaan si Ryker?! Ginalaw mo ba ako?! Bakit nag iba ang damit ko?!" I keep on shouting. Mabilis na tumataas baba ang balikat ko. Tumayo siya mula sa lapag at bumalik sa kama, napaatras ako nang lumapit siya sa akin.

"Calm down, will you? Anong ginalaw?" Hinahawak niya ako para kumalma pero pilit kong inaalis ang kamay niya. Isang tanong lang yata ang narinig niya sa dami kong tinanong! Huminga ako nang malalim.

"Did you changed my clothes?" Tanong ko, sa medyo kalmado nang tono. He avoided my gaze before answering.

"Yes—but I didn't see anything! I swear. I closed my eyes!" He said, defensively. Lumayo siya sa akin ng bahagya.

"Do you think, I'll believe you, you pervert?!" Singhal ko sa kaniya.

"Kailangan kong palitan ka ng damit dahil sumuka ka. Wala akong choice! At wala talaga akong nakita—saglit lang." Hininaan niya ang huling sinabi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Pervert!" Paulit ulit ko siyang pinag hahampas. He captured both of my hand. He smoothly pinned me in bed, holding my wrist tightly above my head. I winced in pain because of my throbbing head. I started struggling from his hold.

"I'm sorry." His face softened when he saw me winced. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka kumakalma."

"Bitawan mo ako!" May diin sa bawat banggit ko ng pantig ng bawat salita.

"Ayoko." He mimicked what I did.

I exaggeratedly hissed at him. Madali naman akong kausap.

"Fine." I said while looking sharply at him.

"Anong fine? Hindi mo na ako sisigawan? Kakalma ka na?" He asked while raising a brow.

"Oo nga." I rolled my eyes.

"Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?"

"Then let go of me, para malaman mo." Hamon ko sa kaniya.

Binitawan niya ang dalawa kong kamay pero nanatili siya sa ibabaw ko. Nakalagay na ngayon ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. I smiled sweetly at him, before hitting his precious thing using my knee. Mabilis siyang umalis sa harap ko at namimilipit na sinapo ang gitna ng hita. Overacting! Hindi ko nga nilakasan 'yon.

Fall OutWhere stories live. Discover now