Chapter 22

95 20 0
                                    

Listen

Kinuha ko sa counter ang inorder kong iced coffee at bumalik na sa table ko. I'm here again at my favorite coffee shop. Inaaral ko yung past lessons namin sa FABM 2. Nakalimutan ko na kasi at may quiz kami bukas.

Mag iisang oras ko nang inaaral pero hindi ko pa rin makuha. Sumasakit na lang ang ulo ko. Nakadalawang desserts na ako pero wala pa ring nangyayari.

"Ate!" Mabilis akong napatingin sa tumawag sa akin. Nakangiting kumakaway si Anne habang lumalapit. Nasa likod niya si Wren na deretsong nakatingin sakin.

"Hey!" I smiled at the two. Yumakap sakin si Anne.

"Nag aaral ka pala?" Pang aasar ni Wren. Tumayo siya sa gilid ko, nakalagay ang kamay sa sandalan ng upuan ko habang nakatingin sa ginagawa ko. Si Anne naman ay nakaupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Ikaw na matalino." I rolled my eyes.

"Order lang ako!" Anne said and immediately went to the counter.

"Bakit dito ka nag aaral?" Nakatayo pa rin siya sa tabi ko. Napatingin ako sa sa kaniya dahil sa tanong. Agad naman akong nailang sa ayos namin.

Nakasandal ako sa upuan ko at nakatingala sa kaniya. Nakalagay pa rin sa sandalan ang kamay niya at nakatungo sa akin. Para tuloy siyang nakaakbay.

"I just like the ambiance. Hindi ka oorder?" Tanong ko dahil nakatayo lang siya sa tabi ko. Si Anne lang ang pumunta ng counter.

He shook his head. "Sinamahan ko lang si Anne."

Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang laging nakabuntot si Wren every time na aalis Anne. Ang cute na kuya, but at the same time nakakainis. l chuckled at myself.

"Why are you laughing?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Nothing." Umiling ako at ngumiti. "Hindi na ako nakapag aral!" I pouted.

"Parang hindi mo naman nagegets." He picked up the papers on my table and checked it. "Mali naman ang ginagawa mo. It's very easy."

"Ang yabang mo!" I hissed, and get my papers from his hands.

"Totoo naman." Umalis siya sa gilid ko at umupo sa upuan sa harap ko at kumuha ng papel at ballpen. Sinimulan niyang sagutan iyon.

"See?" Wala pang limang minuto natapos na niyang sagutan ang isang equation. Ang yabang talaga!

"Syempre napag aralan mo na 'to." I rolled my eyes again. He chuckled.

"Look carefully. Ang dali lang." He slid the paper in front of me. Tinaasan ko siya ng isang kilay. I was about to speak but I got interrupted by the sudden commotion. May nagsisigawan sa malapit na table.

"Oh my gosh, kuya, what happened?" Anne came with a worried face. Wren shrugged his shoulder.

Lumapit na ang ibang staff ng coffee shop pero ayaw pa rin nilang tumigil. Hanggang sa magsabunutan na yung dalawang babae. I covered my mouth with my hand, shocked.

"Hey, let's get out of here." Sinimulang ligpitin ni Wren yung mga gamit ko.

"Saan tayo pupunta? Nag aaral pa ako." Sabi ko, pero tinulungan na din siyang maglikom.

"Makakapag aral ka ba ngayon dito?" He raised his left eyebrow and glance at the two girls fighting. Minsan talaga mas mataray pa sakin 'to eh.

"Kuya's right. Sa bahay ka na lang namin! Mas malapit 'yon dito." Anne said with excitement.

Nagkatinginan kami ni Wren. Ako ang unang nag iwas ng tingin at umubo ng peke.

"Yeah, that's perfect. Tuturuan na rin kita para mas mabilis mong maintindihan." Wren seconded. He took my bag from my chair.

Fall OutWhere stories live. Discover now