Chapter 29

107 18 4
                                    

Sick

Nagising ako dahil sa pag iingay ng phone ko. Lumingon ako kay Wren na mahimbing na natutulog, pagkatapos ay lumingon sa paligid. Hindi kami umuwi?! Oh my God. Magkatabi kaming natulog.

I immediately checked my phone. Siguradong marami nang messages and calls doon. It's still 5am in the morning.

Ni-replyan ko si Manang. Nag alala siya sakin. Buti wala ang parents ko sa bahay dahil may business trip, hindi lang pag aalala ang matatanggap ko kay Mommy, pati na rin ang sermon. Tumunog ulit ang phone ko para sa isang tawag. Sinagot ko agad 'yon dahil baka magising si Wren. Dahan dahan kong inalis ang pagkakapulupot ng braso niya sakin.

"Hello." Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa veranda ng unit ni Wren. Kinukusot ko pa ang mata ko at humikab.

"Where are you?! Kagabi pa kami tawag nang tawag sayo, pati kay Wren! Magkasama ba kayo? Bakit hindi kayo umuwi?" Noelle, on the other line, started firing questions.

"Nasa condo niya kami. I'm sorry, nakatulog na ako kagabi. Baka si Wren din, kaya hindi niya nasabi sa inyo. We didn't plan staying here. "

Napasinghap siya. "Did you slept together?! May condo siya? Anong ginawa niyo diyan? Did you guys...did it." Bumagal ang pagsasabi niya ng mga huling salita.

"Ano?!" Napalakas ang boses ko kaya napalingon ako sa paligid saka hininaan ang boses ko. "Ano bang sinasabi mo? Wala kaming ginawang kung ano dito, okay? Ipapaliwanag ko na lang mamaya pag uwi ko. Bye." Hindi ko na siya hinayaang magkasagot, pinatay ko na ang tawag.

Bumalik ako sa kwarto at tulog pa rin si Wren. Kinuha ko na lang ang mga kalat doon at tinapon. Nag ayos muna ako ng sarili bago pumunta sa kusina para tumingin kung may laman ba iyon. Luckily, meron. Balak niya bang magstay dito? May mga groceries eh.

Naghanap ako ng kaya kong lutuin. Pancake lang ang nakita kong pwede sa breakfast. I started mixing the flour with water. I also boiled water for our coffee.

Nilalagay ko na sa pan yung na-mixed ko, nang maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"Goodmorning." He said in a husky voice. Halatang inaantok pa.

"Goodmorning." I greeted back. "Huwag mo akong yakapin, wala pa akong ligo. Umupo ka muna doon." Pero mabuti na lang merong hindi pa mga nagagamit at bago na toothbrush sa bathroom niya.

"Parehas lang naman tayong hindi pa naliligo. Mukhang uuwi tayong ganito." He chuckled, then kissed my cheek before going to the breakfast table.

From time to time chinecheck niya ako. Nahiya tuloy ako kasi hindi perfect ang ginagawa ko.

"Stop staring." I frowned at him. His chin was resting on his palm while looking at me putting the plates on the table. Kahit saan ako magpunta nakasunod ang tingin niya. Parang tanga.

"You look like my wife already. Taking care of me." Sabi niya, ganoon pa rin ang ayos. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

I hissed. "Kumain ka na nga lang." I sat down next to him and sipped on my coffee to hide my smile.

We started eating silently.

"Sorry, I fell asleep last night, sumakit ang ulo ko. Hindi tuloy tayo nakauwi." He said while washing the dishes.

"Sumakit na naman ang ulo mo? Ayos ka na ba? Uminom ka na ng gamot." I am watching his back while leaning at the table.

"Later when we got home. Wala akong dala."

"I have in my bag. I'll get you one." Umalis ako sa kusina at pumunta sa kwarto para kunin yung gamot. I always bring meds in me, since after I got sick and sent to clinic before. 

Fall OutWhere stories live. Discover now