Chapter 11

142 27 2
                                    

Grief

Dahan dahan akong bumababa ng hagdan. Monday na at siguradong nakauwi na sila Daddy. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na hindi ako umuwi sa bahay nung friday night. Alam kong hindi ako ilalaglag ni Manang at Kuya Carlo.

"Shit. Probably the cctv? Pero ang alam ko hindi nila yon chinecheck." I'm murmuring those words as I head towards the dining.

Pagkaupo ko masama na ang tingin sakin ni Mommy. Si Daddy naman ay hindi nakatingin at sumisimsim lang sa kape niya. Tapos na yata silang kumain. Lumapit pa rin ako at hinalikan sila sa pisngi kahit alam kong galit sila. Hindi naman sila nagcomplain pero hindi sila gumalaw o bumati sakin. Napansin ko ding wala si Manang at ibang maids kaya sure akong pagagalitan talaga ako.

"Eat up. Pagkatapos mong kumain tayo mag uusap." I mentally rolled my eyes. Mabuti at papakainin muna ako bago ako pagalitan. Should I thank her for that? Pero nawalan na agad ako ng gana kumain.

I lazily moved my hand to get myself some food. Ganoon din habang kumakain ako. Tinatamad ako dahil inaantok pa ako tapos mamaya pagagalitan pa ko.

"Ayusin mo ang kilos mo." Galit ang boses niya.

"My, I'm sorry—"

"When did you learn to disobey us?" Mommy cut me off. She sounds really mad. Where, really, did her anger come from? Parang ang bigat naman ng kasalanan ko? Hindi din naman sila umuwi. At hindi man lang ako hinintay na magising para sabihin sakin na ilang araw silang hindi uuwi.

"That's Noelle, Mommy. You know her, you know her family. Hindi naman ako natulog sa kung kanino lang."

"Yeah, I know! But this is about disobeying us. Dinamay mo pa si Manang. Tell us, at least! Sana, nagtext ka man lang para magpaalam." May diin sa bawat banggit niya sa salita. Hinahayaan lang naman siya ni Daddy sa pagsasalita.

"Would you let me?"

"Kaya hindi ka nagpaalam." She stated. "Kasi gusto mo talagang hindi kami sundin. Now, you're grounded. Hindi ka muna pwedeng umalis kasama si Noelle."

I shook my head in disbelief.

"Really, My? Isang beses lang yon. Why is it such a big deal?"

"Isang beses na pwede pang ulitin!"

"What if not."

"And now you're talking back! I can't believe you!"

"That's enough." Mahinanahon na saway ni Daddy. Hinawakan niya ang balikat ni Mommy na mabilis tumataas baba dahil sa galit. Mabuti at walang sakit sa puso o high blood si Mommy.

"Hindi mo siguro naisip na may cctv na makikita kung umuuwi ka o hindi." Dagdag pa ni Mommy.

"And you have more time to check the cctv than to your own daughter." I scoffed.

"I said enough!" Sigaw ni Daddy. Magsasalita pa sana si Mommy pero natigil sa sigaw ni Dad.

Great. Just great.

Tumayo na ako at umalis sa dining table. Tinawag pa ni Mommy ang pangalan ko pero nawala din. Siguro sinabi ni Daddy na hayaan na ako. Umakyat ako sa kwarto at sinalampak ang sarili sa kama. I feel like not going to school. Patagilid akong humiga sa kama. Tinakip ko ang isang unan sa ulo ko at doon umiyak nang umiyak.

Wala nga sila palagi sa tabi ko. Buti nga hindi ako nagrerebelde katulad ng iba na kapag iniiwan ng magulang, kung ano ano ang ginagawa. Tapos sa isang beses na hindi ko pag sunod, ganoon na lang ang galit niya? Oh right, alam ko na. Bukas na kasi yon. Sumabay pa ang ginawa ko. Is she still grieving? Bakit niya sakin binubuhos ang nararamdaman niya? Bakit, ako ba ayos na?

Fall OutWhere stories live. Discover now