Chapter 9

133 34 0
                                    

Like

Saturday came, at nag aayos na ako ng sarili para mamaya. I'm wearing a white crochet loose top na labas ang kaliwang balikat, tinuck-in ko sa high waisted denim short at sa loob non ay ang black two piece swimsuit na ang tali ay nasa leeg. Nilugay ko lang ang buhok ko. Nagbaon din ako ng isa pang damit.

Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ako. 2 pm pa lang pero aagahan ko ang punta sa bahay ni Noelle para tumulong.

"Nagsabi nga pala ang daddy mo na hindi sila makakauwi. May biglaang business trip daw sila sa Taiwan. Sa Monday pa makakauwi." Sabi ni Manang, pagka baba ko sa living area

"Why didn't they tell me?" Kay Manang ko pa malalaman.

"Kaninang umaga lang din siguro iyon. Tulog ka pa kaya ibinilin na lang sakin—oh aalis ka na ba? Tawagin ko na si Carlo sa likod."

Lumabas na ako habang tinatawag ni Manang si Kuya Carlo. Nag suot muna ako ng shades dahil ang init sa labas. Tinanggal ko naman nang makasakay na ako sa kotse.

Pagkarating kila Noelle, naka ayos na ang pwesto sa pool area nila. Niluluto na din ang ibang pakain.

"Sino sino ang pupunta?" I asked as I sit on the lounger. Sunuot ko ulit ang shades ko. Naglapag naman siya ng juice sa malapit na table.

"Sure na si Mika at Dianne. Pupunta din pala si Dustin. Yung iba baka sumunod na lang." Umupo din siya sa katabing lounger.

She's wearing a maong short, partnered with oversized black t-shirt. Siguro ay suot na din niya ang swim suit sa loob ng damit. Naka bun naman ang buhok niya.

"What's the score between you and Dustin?" I said before sipping on my juice.

"Well...he still courting me. Mas kikilalanin ko muna bago ako magde-decide."

"Hmm..." Okay nga 'yon pero sabi niya nga dapat hindi paasahin.

"Sige, dyan ka muna. Check ko lang sa loob yung foods." Tumayo na siya at pumasok sa loob.

Hindi ko na minessage si Wren kagabi dahil nauna namang magtext si Anne para magtanong, kaya sa kanya ko na lang sinabi.

Lumipas ang isang oras, ready na ang mga pagkain at inaayos na sa pool area. Unang dumating sila Mika at Dianne.

"Long time no see! Mga busy na tayo ngayon, kaya hindi na tayo nakakapag bonding." Dianne kissed our chicks. Gano'n din si Mika.

"Yeah! I'm glad you make something like this before lalong maging busy dahil sa school." Mika said.

"You knew Noelle, kapag wala sila Tita, laging may ganito." I chuckled.

"Yeah, that's right!" They all laughed.

Ang sunod na dumating ay si Dustin. Bumati naman ako kaagad.

"Hi" I greeted simply and then smiled at him. "So, anong nakita mo sa bestfriend ko at binalikan mo siya? Mahilig 'yan mang ghost" I joked. I whispered so that Noelle wouldn't hear.

"Hey! What did you just say?!" Noelle exclaimed. Natawa naman si Dustin.

"She has already done that. But now, I won't let her do that again." I grinned from what he said. Natahimik naman si Noelle. Mukhang okay naman si Dustin para sa kaibigan ko.

May sasabihin pa sana ako pero narinig ko si Anne na tinawag kami.

Dress na kulay yellow ang suot niya at brown flat sandals na may strap. Katabi niya si Wren na nakasuot ng black short at white t-shirt. Nagbatian kami at ipinakilala naman ni Noelle sila Mika kay Anne at Wren.

Nagtext si Ryker na medyo male-late siya kaya sila Dianne at Mika ay nagpalit na ng two piece swimsuit at umupo sa side ng pool. Busog pa daw sila at mamaya na kakain.

Umupo ulit ako sa lounger. Nakita ko naman na umupo din si Wren sa kabila. Noelle, Dustin and Anne are already eating to the far loungers.

"Ikaw, hindi ka pa kakain?" Tanong ni Wren. Sumandal naman ako habang suot ulit ang shades.

"Busog pa ako, ikaw?"

"Mamaya na rin."

"Boyfriend ba ni Noelle yung kasama niya?" Tanong niya ulit. Napatingin ako sa kanya at biglang may naaalala. May gusto siya kay Noelle, right? Sayang naman at mukhang wala na siyang pag-asa.

"Hindi pa, but I think they like each other naman." He just nod his head. "Ang bagal mo kasi." Dugtong ko.

"What?"

"You like Noelle, right?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at saka tumawa.

"Why?" I asked, a little annoyed at his laughter.

"I don't like her the way you think. Bakit mo naman naisip iyon?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"W-what? You didn't like her?" Pag ulit ko.

"Yeah, so why did you think that I like her?" Umayos siya ng upo at mas lalong humarap sakin. Biglang hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-ano...kasi...napansin ko lang na iba yung kilos mo kapag andyan si Noelle.  Tapos parang naiinis ka kay Ryker, kasi diba close sila? Tapos ngayon, parang nagseselos ka sa kanila ni Dustin." Pagkatapos kong magsalita ay bigla siyang tumawa. This time, mas malakas.

Napatingin tuloy ako sa mga kasama namin. Nakatingin sila at may nagtatanong na tingin dahil sa pagtawa ni Wren.

"What's funny? 'Wag ka ngang masyadong maingay." Mahina pero may diin na sabi ko.

"Sorry." He chuckled. "Are you serious? Wala akong gusto sa kaniya. Hindi ako nagseselos at lalong hindi ako naiinis kay Ryker."

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga dyan." Inalis ko ang shades ko at tumayo. Maliligo na nga lang ako. Hinubad ko ang suot kong top at nilapag sa lounger. Napatingin ako kay Wren na nakatingin din sakin. He immediately looked away. Sunod kong hinubad ang shorts at lumakad na papuntang pool.

"Come on, Aria. Join us!" Dianne shouted.

Naglakad ako pababa sa hagdan ng pool at lumapit kila Dianne.

"Boyfriend mo?" Napatingin ako sa tanong ni Mika.

"Ako ba?" I asked, not sure if it was me who's being asked.

"Duh!"

"He's not my boyfriend."

"Just friends?"

"I think so."

"Hello! Andito na ko!" Sigaw ni Ryker pagkalabas pa lang sa pool area. Lumapit siya sa pwesto nila Noelle.

Umahon ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Kinuha ko ang towel sa lounger at naglakad papunta sa kung nasaan ang mga pagkain habang nagpupunas ng buhok. Nagulat ako ng makita si Ryker sa harap ko. Sobrang lapit ng mukha niya sakin. Halatang nagulat din siya.

"H-hi. Andyan ka pala. Hinahanap kita kanina." Awkward na sabi ni Ryker. Magkalapit pa rin kami. Napalayo lang ako nang makarinig ng tawag sa pangalan ko.

"Aria, kain na tayo!" Sigaw ni Wren. Andoon na siya sa table kung nasaan ang mga pagkain. Ang bilis naman niyang makarating. Sumunod naman ako doon.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay sabay kaming bumalik sa lounger namin.

"Ano ba 'yan basa ka pa. Magpunas ka nga." Kinuha niya yung towel ko at binalot sa katawa ko.

"Hey! Ano ba!"

"Nababasa yung inuupuan mo. Hayaan mo lang na ganyan yung towel." I rolled my eyes from what he said. Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya.

Fall OutWhere stories live. Discover now