2020

18 4 0
                                    

Taong 2020, isang panahon na puno ng pighati.
Halos lahat tayo ay nagdadalamhati.
Ang ating isip ay nahahati,
Kaya kahit sino lang ang nag iisip na magbigti.

Isang umagang kay dilim na tila tayo ay tulog pa.
Isang gabing nagpapa alala na tayo ay nakakulong pa.
Isang bansang namulat sa katangahan na tila lumalaban
Sa isang pagsubok na dadaan lamang.

Isang labanan na gumugulo sa ating isipan.
Isang digmaan na tayo'y walang kamuwang muwang.
Isang kalaban na hindi natin masisilayan
Isang sakit na taglay nito ang kamatayan.

Isang Corona na pinag aagawan noon ngunit inaayawan na ngayon.
Isang Corona na wearable noon, invisible na ngayon.

Sa bawat segundong lumilipas
Maaring buhay rin ay kumukupas.
Kaya tayoy magdadasal
Upang patnubayan tayo ng may kapal.

By: Dianne

Halo-Halo (MPS Original)Where stories live. Discover now