Pagsubok

13 4 0
                                    

Ginawa ka lang pampalipas oras,
Pinagmukha ka pa na parang ahas;
Kalungkutan mo'y di nagwawakas ,
Pati sugat mo'y di kumukupas.

Mga bahid ng luha ang pumapatak,
Sa iyong matang tila may katarak.
Sa kasuotan mo'y dalagang pilipina,
Sa paningin ng iba ay nakahubad ka.

Sari-saring panlalait ang iyong naririnig,
Sa kapitbahay mong chismis ang bukam-bibig.
Ang tingin mo sa iyong sarili ay pinakuluang  tubig,
Dahil sa init ng kanilang mga titig.

Lakasin mo ang iyong dahas.
Ipagmalaki mo ang iyong mga alahas.
Sugpuin mo ang mga ahas
Upang maganda ang iyong bukas.

Ito'y pagsubok lamang,
Para sukatin ang iyong tapang.
Ito'y dadaan lamang at; kailangang lampasan,
Dahil ang pagsubok ay hindi pangmatagalan.

By: Dianne

Halo-Halo (MPS Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon